December 13, 2025

Home BALITA National

Ilang 'ghost projects at guni-guning proyekto ngayong ghost month,' ibinida ni Sen. Lacson

Ilang 'ghost projects at guni-guning proyekto ngayong ghost month,' ibinida ni Sen. Lacson
Photo courtesy: via MB, Ping Lacson/FB

Kasabay ng pagsisimula ng Ghost Month, ibinalandra ni Sen.Panfilo “Ping” Lacson ang kontrobersiyal na “ghost” projects sa usapin ng flood control.

Sa kaniyang Facebook post noong Sabado, Agosto 23, 2025, tinawag ni Lacson na “kuwentong kababalaghan” daw ang nangyaring mga umano’y anomalya sa flood control project.

“Ghost month, ghost projects? Kayo, mayroon din ba kayong kuwentong kababalaghan tungkol sa flood control projects sa inyong lugar?” ani Lacson sa caption.

Samantala, kaakibat ng nasabing caption ang isang video ng mga umano’y ghost project na isiniwalat ng kaniyang team ngayong ghost month.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Riverbank Protection Structure sa Hagonoy, Bulcan

Ayon sa naturang video, ang Darcy & Anna Builders & Trading ang kontraktor ng naturang proyekto na nagkakahalaga ng ₱77,199,918.56.

Riverbank Protection Structure sa Abulalas, Bulacan

Tinatayang nagkakahalaga ang proyektong ito ng  ₱77,199,988.25 na hinawakan pa rin umano ng Darcy & Anna Builders & Trading.

Flood Mitigation Structures and Drainage Systems sa Apitong, Oriental Mindoro

Ayon sa kampo ni Lacson nagkakahalaga ang proyektong ito ng ₱199,996,270.33 na nasa ilalim ng pangangasiwa ng kontraktor nito na Elite General Contractor and Development Corp.

Riverbank Protection Structure sa Calero, Bulcan

May budget na inilaan sa naturang proyekto na nagkakahalaga ng ₱77,197,885.27 na nasa ilalim ng Wawao Builders.

Riverbank Protection Structure sa Iba, Bulacan

Nagkakahalaga ng ₱77,199,192.34 sa ilalim pa rin ng pangangasiwa ng kontraktor na Wawao Builders.

Matatandaang ayon sa datos na isinapubliko noon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang probinsya ng Bulacan ang nangunguna sa may pinakamaraming flood control projects.

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Mga lugar na talamak ang flood control projects