January 04, 2026

Home BALITA National

DILG, inatasan LGUs sa pagsasabit ng watawat para sa Araw ng mga Bayani

DILG, inatasan LGUs sa pagsasabit ng watawat para sa Araw ng mga Bayani
Photo courtesy: DILG/FB, Pexels

Inatasan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local government units (LGUs) na i-display ang watawat ng Pilipinas para sa paggunita ng Araw ng mga Bayani sa Lunes, Agosto 25, 2025.

Sa ilalim ng Memorandum Circular 2025-085, iminamandato ng DILG ang mga gobernador, mayor at barangay chairman na magsabit o mag-display ng watawat ng Pilipinas sa lahat ng pampublikong lugar sa kani-kanilang nasasakupan.

Ayon pa sa DILG, paraan umano ito upang maipakita ang simbolo ng pagkakaisa at nasyonalismo—-alinsunod sa panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., hinggil sa pagmamahal sa bansa at pagpapakita ng tungkuling maka-Pilipino.

Nitong 2025, nakatakdang ipagdiwang ang Araw ng mga Bayani na may temang, “Isang Diwa, Isang Lahi, Isang Bayanihan.”

National

Leviste, pinuna pagtaas sa ₱18.58B ng MOOE ng Kamara sa 2026 nat'l budget

Ayon pa sa DILG, nakatakdang magkaroon ng programa sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City sa Lunes, na pangungunahan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP).