January 07, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Paano masasabing planeta ang isang heavenly body?

<b>ALAMIN: Paano masasabing planeta ang isang heavenly body?</b>
Photo courtesy: National Aeronautics and Space Administration (NASA)

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang ating daigdig o “Earth” ay makikita sa “Solar System,” na matatagpuan din sa “Milky Way Galaxy.”

Nakapaloob sa “Solar System” ang walong planeta — Mercury, Venus, Earth, Mars, Jupiter, Saturn, Uranus, at Neptune — na umiinog sa araw, isang napakalaking bituin na nagtataglay ng maiinit na gas.

Mula sa orihinal nitong bilang na siyam, naging walo na lamang ang mga planetang ito noong Agosto 24, 2006, sapagkat itinanggal ang “Pluto” sa listahan at inilagay sa klasipikasyon ng mga “dwarf planet.”

Depinisyon ng isang planeta

Human-Interest

'Hangga't buhay, may pag-asa!' 59-anyos na lalaki, pumasa sa Bar Exams matapos 11th attempt

Ang “planet” ay nagmula sa salitang Griyego na “planētēs,” na nangangahulugang “wanderer” o manlalakbay sa wikang Filipino.

Ang mga planeta ay malalaking “celestial body” sa kalawakan na umiinog sa araw sa loob ng “Solar System.”

Kwalipikasyon upang maging planeta ayon sa International Astronomical Union (IAU)

May tatlong kwalipikasyon upang masabi na ang isang “heavenly body” ay isang planeta.

1. Ito ay dapat na umiinog sa araw.

2. Ito ay may sapat dapat na bigat o komposisyon upang magkaroon ng “gravity” na bubuo sa “spherical” nitong hugis.

3. Ito dapat ay may sapat na laki upang palayuin ang ibang mga “object” na malapit sa “orbit” nito.

KAUGNAY NA BALITA: BALITAnaw: Bakit hindi na tinatawag na planeta ang Pluto?-Balita

“Pluto” bilang isang “dwarf planet”

Ayon sa IAU, hindi nakapasok ang “Pluto” sa mga kwalipikasyon ng isang planeta.

Ang planetang ito ay kumpirmadong umiikot sa paligid ng araw at ito rin ay may sapat na bigat at komposisyon upang buuin ang sirkular nitong hugis gamit ang “force of gravity.”

Sa tatlong kwalipikasyon ng IAU, hindi nakapasa ang “Pluto” sa ikatlo, sapagkat hindi nito kayang i-”clear out” ang nakapaligid sa orbit nito.

KAUGNAY NA BALITA: 10 bagay na dapat mong malaman tungkol sa Pluto-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA