December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Suzette, proud nakatrabaho si Alden: 'Hindi ko na siya afford ngayon'

Suzette, proud nakatrabaho si Alden: 'Hindi ko na siya afford ngayon'
Photo Courtesy: Suzette Doctolero (FB)

Sinariwa ni Kapuso headwriter Suzette Doctolero ang isang teleseryeng isinulat niya kung saan bumida si Asia’s Multimedia Star Alden Richards.

Sa isang Facebook post ni Suzette noong Biyernes, Agosto 22, sinabi niyang nagulat umano siya nang mag-rate ang teleserye na pinamagatang “One True Love.”

“Noong sinulat ko ang konsepto ng ‘One True Love’ at si Alden ang bida (with Louise Delos Reyes as his female lead) ay nagulat ako na nag rate ang show. Simple lang kasi ang kwento,” saad ni Suzette.

Dagdag pa niya, “Ginampanan ito nang mahusay ni Alden.Hindi pa siya sikat noon. Baguhan. Raw. Sincere acting. Proud ako na nakatrabaho ko siya. Hindi ko na siya afford ngayon. Superstar na si Tisoy eh. ”

Tsika at Intriga

'Naiinis din ako, ano nangyayari?' Regine frustrated na, bet na sulatan si PBBM

Matatandaang nakasentro ang kuwento ng “One True Love” sa isang binatang mahirap na ay dylexic pa. Nahulog ang loob niya sa isang mayamang dalaga at sinikap patunayan ang sarili sa ama nito.