Maikling mensahe ang ipinaabot ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa kaniyang dating Presidential Spokesperson na si Atty. Harry Roque.
Sa Facebook live ni Roque noong Biyernes, Agosto 22, 2025, mapapanood ang kaniyang maikling panayam sa mga anak ni dating Pangulong Duterte na sina Davao 1st district Rep. Paolo “Pulong” Duterte at Kitty Duterte.
Mapapanood sa nabing FB live ang pagtapik ni Pulong kay Roque at ibinahagi ang bilin ng kaniyang ama.
“Do your thing daw,” ani Pulong.
Pahabol pa ni Pulong, “Di mo na daw kailangan ng signature.”
Tugon naman ni Roque, “With the marching order, will do it.”
Kaugnay nito, isang pasaring naman ang iniwan ni Roque laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
“Ibig sabihin po niyan dapat matanggal na si Bangag,” aniya.
Matatandaang kamakailan lang nang pumutok ang isyu sa pagitan ng lead counsel ni dating Pangulong Duterte na si Atty. Nicholas Kaufman at Roque hinggil sa panghihimasok umano niya sa kaso ni Duterte sa International Criminal Court (ICC).
“From day one, Harry Roque has portrayed himself as the only person capable of defending the former President, motivating the public against me and my team,” ani Kaufman.
Dagdag pa niya, “As it is, neither the former President, nor anyone else in his immediate vicinity, is interested in Harry Roque as a lawyer.”
KAUGNAY NA BALITA: Roque bida-bida mula day 1, pinauuwi na ni FPRRD sa Pinas
Samantala, sa hiwalay na pahayag, pinabulaanan ni Roque ang mga binanggit ni Kaufman laban sa kaniya at ipinanawagang itigil na raw ang aniya’y “blaming game” at bagkus ay ituon na lang daw ang oras niya sa pagpapabalik kay Duterte sa Pilipinas nang buhay.
“I thus call on Atty. Nicholas Kaufman to put an end to this blame game and simply channel his time and energy to bring the former President home alive to make the Filipinos the happiest persons on earth,” saad ni Roque.
KAUGNAY NA BALITA: Sagot ni Roque kay Kaufman: ‘Put an end to this blame game!’
Matatandaang nananatili sa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Duterte matapos siyang maaresto noong Marso dahil sa kasong crimes against humanity kaugnay ng kaniyang naging madugong kampanya kontra droga.
KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD