December 16, 2025

Home BALITA Politics

Post ni Rep. Javi sa pagpapababa ng edad na maging Pangulo, umani ng reaksiyon

Post ni Rep. Javi sa pagpapababa ng edad na maging Pangulo, umani ng reaksiyon
Photo courtesy: Javi Benitez/FB

Inulan ng mga komento at reaksiyon ang Facebook post ni Negros Occidental 3rd district Rep. Javier Miguel "Javi" Benitez patungkol sa pagpapababa ng edad ng kwalipikasyon sa pagiging Pangulo ng Pilipinas.

Saad kasi ng naturang mambabatas sa kaniyang FB post noong Agosto 21, 2025, na dapat aniyang pababain mula edad 40 patungong 35-anyos ang payagang maging Presidente ng bansa.

“Kung kaya na ng 35 sa U.S., bakit 40 pa sa Pilipinas? Sa U.S., 35 years old pwede nang maging Presidente. Sa Pilipinas, hinihintay pa ang 40," ani Benitez.

Ikinumpara din niya ang pawang sukatan noon sa dapat ay basehan ngayon, hinggil sa pagkakaroon ng mga batang politiko.

Politics

Political scientist sa pagtatago umano ni Bato: 'Napakaduwag!'

“Noong araw, edad ang sukatan ng ‘hinog’ na liderato. Pero ngayon, may mga batang lingkod-bayan na may galing, tapang, at malasakit para ipakita na hindi edad ang batayan ng tunay na pamumuno,” anang mambabatas.

Paglilinaw pa ni Benitez sa comment section ng kaniyang FB post, 33 taong gulang lang daw siya sa 2028 at wala rin daw siyang balak sa nasabing posisyon.

"33 pa lang ako sa 2028. At kahit pa eligible sa edad, hindi ko naman gusto. Pero baka may ibang handa na, na hindi aabot sa 40. May kilala ba kayo?" aniya.

Ang naturang post, ay umani ng mga sagot mula sa netizens mula sa pagbabanggit ng pangalan hanggang sa kanilang personal na pananaw sa pagiging basehan ng edad.

"Itabi n'yo si Vico Sotto na 'yan."

"Sometimes the youngest carry the strongest fire for change."

"Ang batayan ay mga nagagawa hindi edad. Just walk the talk!"

"Agree naman, open the doors for younger ones, pero kung nepo babies lang din, 'wag na!"

"Bagitong lider nga, eh paano kung wala namang experience?"

"It's not the age, it's the dignity na bitbit nila pagdating sa posisyon."

"Manifesting sa 2028 Vico Sotto for President."