January 06, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Panayam ni Korina Sanchez kay Sarah Discaya, burado na!

Panayam ni Korina Sanchez kay Sarah Discaya, burado na!
Photo Courtesy: Net25 via PEP

Hindi na mapapanood pa sa programa ni Korina Sanchez ang panayam niya kay dating Pasig City mayoral candidate Sarah Discaya. 

Sinubukan ng Balita na bisitahin ang YouTube Channel ng Net25 na siyang nag-upload ng naturang panayam na pinamagatang “A Victim of Bullying, Now a Politician” ngunit hindi na ito makita.

Wala namang inilabas na pahayag ang network o maging si Korina kung bakit naglaho ang panayam nila kay Discaya.

Matatandaang naging sentro ng intriga si Korina matapos makaladkad ang pangalan niya sa isiniwalat ni Pasig City Mayor Vico Sotto patungkol sa mga journalist na tumanggap umano ng kaukulang bayad para kapanayamin ang nakatunggali nito sa pagkamayor noong 2025 midterm elections.

Tsika at Intriga

'I don’t have to explain myself to anyone!' BINI Jhoanna, nag-repost sa kabila ng dating rumor kay Skusta Clee

Bagama’t walang binanggit na pangalan ang alkalde kung sino ang journalists na tinutukoy niya, kalakip naman sa Facebook post ang screengrab mula sa interview ni Korina kay Sarah. 

MAKI-BALITA: Vico Sotto, sinita mga journalist na umano'y tumatanggap ng bayad sa interview

Samantala, ang panayam naman ni broadcast-journalist Julius Babao kay Sarah at sa asawa nitong si Curlee ay nasa YouTube channel pa rin niya. Ngunit sarado na ang comment section nito.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, pumalo na sa 913K ang kabuuang views ng panayam sa mag-asawa.

Bukod kay Korina, nadawit din ang pangalan ni Julius sa naturang isyu. Naglabas naman ng pahayag ang dalawa upang pabulaanan ang akusasyong ikinakabit sa kanila ng publiko.

Maki-Balita: Programa ni Korina, pinabulaanang tumanggap ng ₱10M sa mga Discaya; Vico, pwedeng ma-cyber libel?

MAKI-BALITA: Julius Babao sa ₱10M na bayad ng mga Discaya: ‘Walang katotohanan!’

Inirerekomendang balita