December 13, 2025

Home BALITA

Paalala ni FPRRD sa mga junakis: 'Ang hirap kapag kalaban mo pati pamilya mo!’

Paalala ni FPRRD sa mga junakis: 'Ang hirap kapag kalaban mo pati pamilya mo!’
Photo courtesy: Contributed photo

Muling ibinahagi ng anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Kitty Duterte ang mga bilin ng ama.

Sa Facebook live ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque noong Biyernes, Agosto 22, 2025, kasama ni Kitty ang kaniyang kapatid na si Davao 1st district Rep. Paolo “Pulong” Duterte na humarap sa mga tagasuporta ng kanilang pamilya.

"To take care each other. Emphasized the value of family and how important family bond is. Kasi ang hirap nung, kalaban mo na lahat, kalaban mo pa yung pamilya mo,” ani Kitty.

Dagdag pa ni Kitty, “So he always reminds us to take care of each other as siblings and look out for each other.”

Parachute ng skydiver, sumabit sa traffic light; muntik na mabigti!

Kasalukuyang nasa The Hague, Netherlands sina Pulong at Kitty kung saan inaasahang makakasama rin nila ang dalawa pang kapatid na sina Vice President Sara Duterte at Davao City acting mayor Sebastian “Baste” Duterte.”

“Excited siya kasi malapit na kaming makumpleto, kaming magkakapatid, kaming apat. Special request n'ya is yung makita n’ya na apat kami,” saad ni Kitty.

Matatandaang nananatili sa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Duterte matapos siyang maaresto noong Marso dahil sa kasong crimes against humanity kaugnay ng kaniyang naging madugong kampanya kontra droga.

Samantala, sa Setyembre 23 na inaasahang confirmation of charges hearing para sa kaso ni dating Pangulong Duterte matapos ang kaniyang unang naging pagsalang sa pre-trial noong Marso.

KAUGNAY NA BALITA: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025