December 14, 2025

Home SHOWBIZ

Jhoanna, kinumpirma pagiging maarte ng BINI members

Jhoanna, kinumpirma pagiging maarte ng BINI members
Photo Courtesy: Screenshot from Ogie Diaz (YT), BINI (FB)

Inamin ni Jhoanna Robles—leader ng Nation’s girl group na BINI—na totoo umanong maaarte ang miyembro ng naturang grupo.

Sa latest episode ng “Ogie Diaz” noong Biyernes, Agosto 22, napag-usapan ang pagiging maarte umano ng BINI. Hindi rin pinalampas ang paraan ng pagsasalita nila ng Ingles.

“‘Yong maarte po, totoo naman po. Maarte naman po kami,” natatawang sabi ni Jhoanna. “Pero siyempre, nag-i-English po kami kasi nasa ibang bansa po kami. Para sign of respect din po do’n kasi ginuest po kami.”

Dagdag pa niya, “[K]ahit papaano naman po, nakakapagsalita naman po kami ng English kahit kaunti lang ‘yong baon namin.”

Relasyon at Hiwalayan

‘Totoo na!’ Kiray Celis, kinasal na!

Matatandaang sumalang ang Nation’s girl group noong Hulyo sa isang episode ng “People Vs. Food” para tikman at i-rate ang ilan sa iconic Filipino snacks.

Ilan sa mga inihain sa kanila ay kwek-kwek, isaw, yema, betamax, mamon, turon, taho, balut, hopia baboy, at marami pang iba.

Ngunit tila lumabas umano ang kaartehan ng BINI matapos lantakan ang mga pagkain na parang hindi nila ito natikman noong wala pa sila sa rurok ng kasikatan.

MAKI-BALITA: ‘Ang lala ng kaartehan!’ BINI, binatikos matapos lumantak ng Pinoy snacks

Ayon kay Jhoanna, nag-ugat ang batikos sa kanila dahil sa kumalat na spliced video. Marami ang hindi nakapanood ng buong video at mas piniling sumakay na lang sa hate train.

Aniya, “Parang natatawa lang din ako sa mga comments ng iba na nakisakay sa hate train. Na feeling ko hindi naman pinanood ‘yong buong video.

“Saka iba po ‘yong pag-prep sa food. Kumbaga iba talaga ‘yong ditong gawang Pinas,” dugtong pa ng BINI leader.

Kaya naman noong Agosto 18 ay nagsadya ang buong miyembro ng BINI kasama ang abogado nilang si Atty Joji Alonso para pormal na isampa ang kanilang kaso laban sa isang indibidwal na gumawa ng spliced video kaugnay sa pagtikim nila sa iconic Filipino snacks sa “People Vs. Food.”

MAKI-BALITA: BINI, sinumite na ang inihaing kaso sa Hall of Justice