Kinumpirma ng New York State Police na may ilang mga Pilipino ang sakay ng tour bus na nadisgrasya sa Buffalo, New York noong Biyernes, Agosto 2, 2025.
Ayon sa NY State Police, pawang mga Indian, Chinese at Pinoy ang sakay ng nasabing tourist bus.
Lumalabas din sa imbestigasyon na pabalik na raw sana ng New York City ang naturang bus mula sa Niagara Falls nang bigla umanong nawalan ng control ang driver dahilan upang magpaikot-ikot sila sa daan.
May ilang mga ulat din ang nagsasabing may mga pasahero umanong tumilapon palabas ng bus dahil hindi sila naka-seat belt.
Samantala ayon sa Philippine Consulate in New York, patuloy daw ang kanilang pakikipag-ugnayan sa New York State Police upang matukoy ang bilang at kondisyon ng mga Pilipinong nadamay sa nasabing aksidente.
Mula sa 50 kataong sakay ng nasabing tourist bus, lima na ang napapaulat na umano'y nasawi.
Ilang pasahero rin ang kinailangang isakay sa sa chopper bunsod ng pinsalang kanilang natamo.