December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Hanash ni Diego sa paborta ni Marco, hinuhulaan: 'She only cared when the abs were there!'

Hanash ni Diego sa paborta ni Marco, hinuhulaan: 'She only cared when the abs were there!'
Photo courtesy: Marco Gallo, Diego Loyzaga (IG)

Usap-usapan ang naging komento ng aktor na si Diego Loyzaga sa Instagram post ng aktor na si Marco Gallo matapos i-flex ng huli ang kaniyang magandang pangangatawan.

Mababasa sa post ng aktor kung paano niya pinaghirapan ang kaniyang hunk body.

Ibinahagi pa ni Marco ang ilang mga larawan kung saan makikita ang pag-gain niya ng weight.

Kaya naman, buong pagmamalaki niyang ibinida ang kaniyang fitness journey. 

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

"The weights taught me more than I expected. How to be patient, how to stay consistent, how to find joy in the process, and how to surround myself with people chasing the same light."

"I used to wear a Spider-Man suit as a kid and today, I think I finally get it. Strength isn’t about the goal, it’s about showing up. That’s the real superpower," saad pa ni Marco.

Mapapansin namang ni-like ito ni Diego, at nag-iwan naman ng tila cryptic na komento.

Aniya, "Nope. It 100% meant she only cared when the abs were there and cared about 10 other guys when they weren't. trust."

Puri pa ni Diego, "Bro amazing job. I only found u hot when u got abs ngl."

Palaisipan naman sa mga netizen kung sino ang babaeng tinutukoy ni Diego.

Pero batay rito, bagama't walang binanggit na pangalan, pinalutang ng mga netizen ang pangalan ng aktres na si Heaven Peralejo, na huling nakarelasyon ni Marco.

Narito ang ilan sa mga kuda ng netizen:

"Ay, patama kay H?"

"Itong si Heaven talaga not trusting her"

"anong bago? eh diba nga in a room of 10-20 people feeling nya lahat may gusto sa kanya. delulu kween."

"So sex appeal lang ang hanap ng MarVen sa isa’t-isa. Pag waley na, babu na. Ang babaw, ha.”

"Si Heaven kasi din overlapping lagi. Tapos nasasayang lang din kasi walang nag lalast."

Sa kabilang banda, may mga nanaway rin kay Diego at sinabing manahimik na lang daw siya.

"Tumahimik ka Diego, walang maniniwala sayo dahil toxic kang karelasyon. Ayusin mo muna sariling life mo at alagaan mo toddler mo bago ka mag pabida. May Diego Loyzaga pa pala nakakalimutan ka na ng tao until nagpapansin ka at the expense of your ex."

"In general naman yan pero it works for men and women"

"but show some respect to the lady. Stop bad mouthing her."

"Marco and Diego are not even close for him to know Marco's private life. Out of context yung comment nya. Diego doesn't even have a good reputation to begin with. Papansin lang talaga."

"There is nowhere in Marco's post that would pertain to Heaven or in relation to her. It is about his self-discipline to show up and focus on his fitness journey. This is taken out of context!!"

Samantala, binura na umano ni Diego ang nabanggit na komento kay Marco.

Wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang dinadawit ng mga netizen na si Heaven tungkol sa isyu. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.