December 13, 2025

Home BALITA National

‘Enchanted Ilijan Plug Project,’ kasado na para sa turismo sa Bohol

‘Enchanted Ilijan Plug Project,’ kasado na para sa turismo sa Bohol
Photo courtesy: Department of Tourism - Philippines (FB), Wikimedia Commons/ Leoudtohan

Pumirma na ng Memorandum of Agreement (MOA) ang Department of Tourism (DOT), Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), at munisipalidad ng Tubigon bilang hudyat ng pagsisimula ng “Enchanted Ilijan Plug Project” noong Biyernes, Agosto 22.

Ang tripartite signing ay isinagawa nina Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, Tubigon Mayor Marlon Amila, at TIEZA Assistant Chief Operating Officer Jetro Nicolas Lozada.

“By investing not only in our already well-known and world-class destinations but also in our emerging destinations, we’re creating opportunities. Opportunities not just for promotion, but for gainful livelihood for our fellow Filipinos. And we continue to invest in Bohol, recognizing its potential and proven ability to carry the tourism landscape of Central Visayas, together with Cebu,” ayon kay DOT Secretary Frasco.

Ang nasabing proyekto para sa lungsod ng Ilijan sa Bohol ay ang “top-ranked entry” sa Visayas sa ilalim ng Tourism Champions Challenge (TCC) program na inilunsad ng DOT simula 2023 sa paglalayong hikayatin ang mga local government unit (LGU) na gumawa at maglabas ng mga proyektong magpapayabong sa mga komunidad nito.

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

Gamit ang ₱ 25 na milyong TCC fund prize, ang “Enchanted Ilijan Plug Project” ay naglalayong i-highlight ang Ilijan Hill, na kinokonsiderang unang confirmed volcanic plug sa Pilipinas, at mahalagang parte ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) Global Geopark, ayon sa Facebook post nito.

Isinama rin sa proyekto ang pagdadagdag ng Ilijan Plug Trail papuntang summit garden, isang Ilijan Pavilion, arts and cultural village, at parking area.

Sa probisyon ng MOA, ang DOT ay magbibigay ng strategic guidance at tourism direction; ang TIEZA ay ang tatayong support at overseer ng mga imprastraktura; at ang Tubigon LGU naman ang mamamahala ng mga lokal na implementasyon, pagbibigay ng mga permit, at pangmatagalang pamamahala.

Sean Antonio/BALITA