Kilig ang hatid na ibinahagi ng couple na sina Donnalyn Bartolome at JM De Guzman sa pagdiriwang ng kanilang anibersaryo.
Ayon sa inupload ng vlogger, model, at aktres na si Donnalyn Bartolome, ipinakita niya ang pagdiriwang ng kanilang anibersaryo ng kaniyang kasintahang aktor na si JM De Guzman noong Biyernes, Agosto 22.
“Ay Dios mío! The perfect anniversary gift!” saad ni Donnalyn.
Makikita sa ibinahagi niyang mga litrato ang singsing na regalo ni JM at ang video na sumayaw sila habang magkayakap.
“It glitters like the truth we never said out loud,” anang vlogger.
Samantala, naintriga naman ang mga tagasuporta ni Donnalyn sa hindi niya tinukoy na regalo niya kay JM.
“What I’m gifting back doesn’t shine, but it carries the weight of a future he never imagined,” pagpapatuloy ng aktres.
Nagawa pang mag-Spanish ni Donnalyn na lalong nagbigay ng mataas na kuryosidad sa netizens.
“No estoy de vuelta. Estoy en marcha.. ‘tú vienes,’ palabra de honor JM De Guzman,” pagtatapos niya.
Hindi tuloy napigilang matuwa at manghula ng netizens kung ano ang ipinahihiwatig niyang sabihin.
Narito ang ilang komento na iniwan ng mga tao:
“I'm not back. I'm on my way.. 'you're coming,' word of honor. napa search pa nga nii.”
“[...] Bottomline: For sure engaged na sila at the same time ang Anniversary gift ni Donna ay hindi material kundi baby (life-changing)”
“Truth never said out loud(proposal) and the gift carries weight of future never imagined, was the answer (YES)”
“He finally found his wife... Ilang years tong na depress.”
“My Instincts says frm donna's message means..Soundslike "daddy jm soon"”
“Tama ba o mali pagka intindi ko dito parang baby ata not sure pero un ung pagkaintindi ko”
“An engagement/promise ring and pregnancy? hmmm ”
“Road to forever na po”
Samantala, hindi nabanggit sa naturang post kung literal na engaged na ang dalawa at kung ano ang kahulugan sa likod ng mga sinabi ni Donnalyn sa kaniyang post.
Mc Vincent Mirabuna/Balita