December 14, 2025

Home BALITA

CHR, kinondena pananampal at panununtok ng mayor sa Cebu sa isa umanong bugaw

CHR, kinondena pananampal at panununtok ng mayor sa Cebu sa isa umanong bugaw
Photo courtesy: via CHR/website, screengrab contributed video

Inalmahan ng Commission on Human Rights (CHR) Region 7 ang nag-viral na pananampal at pagsuntok ng isang alkalde sa umano'y bugaw na nagpanggap na kaanak nito.

Ayon sa mga ulat, nakatakdang paimbestigahan ng CHR ang nasabing insidente na nangyari sa bahay ni Dumanjug Mayor Gungun Gica.

Nakatakda umanong imbestigahan ng komisyon kung legal o labag sa karapatan pang tao ang ginawang pamimisikal ng alkalde.

"We will look into it and should there be proof that there was a violation on the part of the mayor as a state actor, we will look into this by sending a team of investigators to verify," ani CHR Central Visayas Director Atty. Avrin Odron sa panayam sa kaniya ng isang local news media.

Internasyonal

Intersection sa NYC, ipinangalan kay Dr. Jose Rizal bilang pagkilala sa Filipino community

Saad pa ni Odron, "Because if the allegation is true, that will fall under the jurisdiction of human rights, involving a government personality, government official, or state actor. We monitor government officials to  see if they are compliant with human rights standards, which are part of the Philippine Government's commitment to protect."

Matatandaang nauwi sa pananakit ang komprontasyon ni Gica sa lalaking suspek kasama ang kaniyang live-in partner matapos makatanggap ng ulat ang alkalde hinggil sa mga batang biniktima ng mga suspek sa pambubugaw kabilang ang anak nilang tatlong gulag nilang anak.

Kasama rin napaulat na umano’y biniktima ng mag-live in partner ang pamangkin ng babaeng suspek na 11-anyos at kapitbahay nilang walong taong gulang.

Samantala, sa hiwalay na pahayag sa pamamagitan ng Facebook post noong Biyernes, Agosto 22, nanindigan si Gica na hindi raw niya kukunsintihin ang anumang porma ng pang-aabuso sa mga bata.

"To the people of Dumanjug, I want to be clear: My administration will not tolerate child abuse, rape, child pornography, or drug pushing," ani Gica.

Dagdag pa ng alkalde, “We will use every legal resource at our disposal to see that they are brought to justice and that our town remains a safe place for everyone.”

KAUGNAY NA BALITA: 'Bumingo!' Mayor sa Cebu sinampal, sinuntok lalaking bugaw na nagpanggap na kaanak niya