December 18, 2025

Home BALITA

'Bumingo!' Mayor sa Cebu sinampal, sinuntok lalaking bugaw na nagpanggap na kaanak niya

'Bumingo!' Mayor sa Cebu sinampal, sinuntok lalaking bugaw na nagpanggap na kaanak niya
Photo courtesy: screengrab from contributed video

Hindi nakapagtimpi si Dumanjug Mayor Gungun Gica nang makaharap niya ang umano'y bugaw na nagpanggap na kaanak niya.

Nangyari ang viral video noong Agosto 19, 2025 kung saan mapapanood ang pananampal at pagsuntok ng alkalde sa isang lalaki sa loob ng kaniyang pamamahay.

Lumalabas sa imbestigasyon na mismong ang lalaki at kasama niyang live-in partner ang humingi ng tulong sa alkalde upang malinis umano ang kanilang pangalan sa krimen na kinasangkutan.

Batay pa sa mga ulat, alam na umano ng alkalde ang modus ng mag-live in partner bago pa man ito magtungo sa kaniyang pamamahay upang humingi ng tulong.

National

'Fresh bloods!' DPWH, sisimulan 'massive recruitment' sa mga unibersidad, kolehiyo sa 2026

Sa gitna raw ng komprontasyon ng alkalde sa mga suspek, nakatanggap ng ulat ang alkalde mula sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) hinggil sa mga biniktima ng mag-live in partner.

Napag-alamang pawang mga menor de edad ang biktima ng mag-live in partner kabilang ang isang 11-anyos na mismong pamangkin ng babaeng suspek, walong taong gulang na kanilang kapitbahay at mismong tatlong taong gulang na kanilang anak.

Samantala, sa hiwalay na pahayag sa pamamagitan ng Facebook post noong Biyernes, Agosto 22, nanindigan si Gica na hindi raw niya kukunsintihin ang anumang porma ng pang-aabuso sa mga bata.

"To the people of Dumanjug, I want to be clear: My administration will not tolerate child abuse, rape, child pornography, or drug pushing," ani Gica.