December 13, 2025

Home FEATURES Usapang Negosyo

Bayong with a modern twist ng dating nurse, sikat sa ibang bansa

Bayong with a modern twist ng dating nurse, sikat sa ibang bansa
Photo courtesy: DTI Philippines (Youtube screenshot), Lokal Bayong (Instagram)

Ibinahagi ng dating registered nurse at corporate employee ang puso sa likod ng kaniyang mga tradisyunal na bayong with a modern twist, na ngayo’y gumagawa na rin ng pangalan abroad.

Sa panayam ni Lorenzo Gaffud sa “DTI Asenso Pilipino,” ikinuwento niya ang pagsisimula ng kaniyang brand na Lokal Bayong at layuning mapreserba ang sininig ng paghahabi sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay kabuhayan sa mga lokal na komunidad at paggamit ng mga sustainable na materyales.

Ayon kay Gaffud, bagama’t hindi intensyonal ang pagiging negosyo ng Lokal Bayong noong 2024, umani ito ng maraming suporta mula sa mga tao bilang isang coffee packaging project para sa kaniyang dating kompanya.

Mula noon, naging adbokasiya ni Gaffud na magkaroon ng partnership sa mga lokal na komunidad ng mga manghahabi at mga pamilya, na patuloy na nakapagbibigay trabaho sa mga ito.

Usapang Negosyo

'Ayaw manahin ng mga anak,' Chocolate Lover Inc., magsasara na matapos ang higit 3 dekada

“Everyday is a struggle, hindi talaga pasko araw araw, mayroong mga peak seasons at mayroon din namang walang sales masyado, kaya you have to be strong enough to face it,” aniya nang tanungin kung ano ang maibabahaging advice ayon sa kaniyang karanasan.

“For us, this is a process. We’re making or paving the way for them [local weavers]. So we’re letting them realize din na this is a long term sustainable livelihood for everyone else,” dagdag niya.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 20 na tindahan ang Lokal Bayong, kung saan makikita ito hindi lamang iba’t ibang rehiyon sa bansa, kung hindi sa ibang bansa rin tulad ng Canada, Finland, UAE, at Germany.

Sean Antonio/BALITA