Nasabat sa joint operation ng mga awtoridad ang kilo-kilong hinihinalang droga sa Matnog Port, Sorsogon.
Pinangunahan ang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency–National Capital Region (PDEA-NCR) kasama ang PDEA Regional Office V, Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Ports Authority (PPA), at Philippine National Police (PNP) ngayong Sabado, Agosto 23.
Nasabat ng operatiba ang 11 kilo ng hinihinalang shabu na nakabalot sa plastic at mga drug paraphernalia sa puting Toyota Hilux na dala ng mga suspek sa pantalan.
Kinilala ang mga kawatan na sina alyas Jam na 34-anyos mula sa San Miguel, Manila at Sal na 19-anyos mula naman sa Pualas, Lanao del Sur.
Parehas mahaharap sa sinampang kaso na paglabag sa Section 5, Transportation of Dangerous Drugs sa batas republika 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek.
Mc Vincent Mirabuna/Balita