December 14, 2025

Home BALITA Metro

Rep. Chua kay Yorme: ‘Masyado po siyang bully’

Rep. Chua kay Yorme: ‘Masyado po siyang bully’
Photo Courtesy: Joel Chua, Isko Moreno (FB)

Tila hindi na nakapagtimpi  pa si Manila City 3rd District Rep. Joel Chua sa umano’y pambu-bully ni Manila City Mayor Isko Moreno.

Matatandaang sinita ni Moreno ang ipinapatayong community center sa Sta. Cruz, Maynila noong Huwebes, Agosto 21, dahil sa kawalan umanoi nito ng permit.

"Lahat 'to kumpiskahin n'yo, ha. Wala permiso 'yan. I-penalized n'yo lahat ng mga gamit nila dito [...] Tanginang mga congressman 'yan," anang alkalde.

Kaya sa pamamagitan ng isang video statement nitong Biyernes, Agosto 22, binuweltahan ni Chua si Moreno.

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

“Dapat po kami, ang local government at ang national government ay nagtutulungan para nag-iisip po ng mga makabuluhang proyekto. E, wala po siyang ginawa kundi gibain nang gibain ‘yong mga ginagawa po namin. Ang makikinabang naman, mga taumbayan. Kagaya po ng giniba niyang barangay hall,” saad ni Chua.

“Ako po ay matagal nang nananahimik,” pagpapatuloy niya. “Pero alam po ninyo, umikot po kayo sa Maynila. 90% ng barangay hall, nasa kalye. Ngayon, kung sinasabi po niya na ito po ay ilegal, dapat po lahat ‘yan gibain niya. Hindi ‘yong pinipili lang niya ‘yong sa akin saka ‘yong kay Cong. [Rolan] Valeriano.”

Dagdag pa kongresista, “Kaso ang nangyayari sa kaniya, selective. Pati po ‘yong mga konsehal ko, pati ‘yong barangay chairman ko, ginigipit po niya. Masyado po siyang bully na mayor. [...] Bakit puro kalaban lang niya ang ginigiba niya.”

Ngunit nilinaw naman ni Chua na hindi raw ito tungkol sa kanilang dalawa ni Moreno.

“This is about the City of Manila, and the people of City of Manila,” aniya.