December 13, 2025

Home BALITA National

Planong pagsuko kay Quiboloy sa US, may legal na basehan — Hontiveros

Planong pagsuko kay Quiboloy sa US, may legal na basehan — Hontiveros
Photo courtesy: Senator Risa Hontiveros (FB), MB file

Iginiit ni Senador Risa Hontiveros na may legal na basehan ang isinusulong na "temporary surrender" kay Kingdom Of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy sa Estados Unidos.

Ibinahagi ni Senador Hontiveros sa kaniyang Facebook post ngayong Biyernes, Agosto 22, na may malinaw at legal na basehan kung dadalhin muna si Quiboloy sa Amerika para sa paglilitis nito.

“The Philippines has a clear legal basis to temporarily surrender Apollo Quiboloy to the United States — and ample justification to do the same,” ani Hontiveros.

“Under Article 11, paragraph 1 of the PH-US Extradition Treaty, kahit may kaso siya dito, puwede pa rin siyang dalhin sa Amerika para harapin muna ang mga kaso doon, at pagkatapos ng paglilitis ay ibalik sa Pilipinas para panagutin sa mga krimen dito,”dagdag pa niya.

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

Inilahad pa ng senador na may mga biktima ang pastor sa Amerika na matagal na ring naghihintay na makamtan ang hustisya, kung kaya’t hindi na dapat umano ito patagalin pa.

“Quiboloy has victims in the United States who have waited too long for justice. Hindi rin tama na patagalin pa ang kanilang laban. If we continue to delay, we are denying them their right to be heard,” anang senador.

Isinawalat din niya kung paano umano iniiwasan ni Quiboloy ang kaniyang mga pananagutan dito sa Pilipinas, at kung paano nito tinatakot umano ang mga testigo laban sa kaniya.

“Dito sa Pilipinas, malinaw na sinusubukan niyang gamitin ang kanyang yaman at impluwensya para iwasan ang pananagutan. He, through his followers, has tried to intimidate witnesses. Kahit nga nung senate hearing, kung ano ano ang mga kondisyon na ginawa niya para lang hindi sumipot sa pagdinig,” aniya.

KAUGNAY NA BALITA: Pagdalo ni Quiboloy sa Senate hearing sa Oct. 23, aprubado na ng korte-Balita

Ayon pa sa mambabatas, mabibigyang-hustisya ang mga biktima sa parehong bansa kung mapagbibigyan ang posibleng “temporary surrender.”

“By allowing temporary surrender, we uphold justice on both sides. Nakakasiguro ang Pilipinas na hindi mawawala ang ating mga kaso, at natutulungan din natin ang mga biktima sa Amerika,” anang mambabatas.

Matatandaang ibinahagi ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) secretary na si Benhur Abalos sa kaniyang Facebook post noong Setyembre 8, 2024 na naaresto na si Pastor Apollo Quiboloy sa kasong human trafficking, rape, child abuse, at iba pa.

MAKI-BALITA: 'Nahuli na si Pastor Quiboloy!'—Abalos-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA