January 05, 2026

Home BALITA Probinsya

Pinag-awayang kanin, nauwi sa pananaksak; 1 patay

Pinag-awayang kanin, nauwi sa pananaksak; 1 patay
Photo courtesy: Pexels

Nauwi sa pananaksak ang away ng dalawang lalaki bunsod umano ng kanin sa Zamboanga City.

Ayon sa mga ulat, dead on arrival ang biktima nang pagsasaksakin siya ng suspek na hiningan niya ng kanin.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagluluto umano ang suspek nang lapitan siya ng biktima na kaniya ring kasamahan sa isang bahay para manghingi ng kanin. Dahil hindi pa luto, doon na raw nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa.

Pag-amin ng suspek, nagkainitan na raw sila sa diskusyon ng biktima dahilan upang kumuha na raw siya ng kutsilyo at saka pinagsasaksak ang biktima.

Probinsya

Toy gun lang? Lady driver na nagpakita ng baril, nanakot lang daw ng namamalimos

Sinubukan pa ng biktima na makatakbo, ngunit hinabol siya ng suspek at saka tinuluyan.

Samantala, matapos ang krimen, agad ding sumuko sa pulisya ang suspek na nahaharap sa kaukulang kaso. Sinubukan pang isinugod sa ospital ang biktima ngunit hindi niya umabot pang buhay.