Muling ibinalandra ni GMA Network trivia master at TV host Kuya Kim Atienza ang kaniyang mala-tank build body habang naglalahad ng kasalukuyang lagay ng panahon sa kasagsagan ng ulan.
Mula sa paglalahad niya ng “low pressure,” ay tila sa ibang pressure kasi napunta ang atensyon ng netizens bunsod ng flex na flex na six pack abs ni Kuya Kim.
“Bagay ‘yang pandesal ngayong tag-ulan kuya Kim!”
“Grabe! Kape na lang ang kulang.”
“Ano ‘to? Work from home ang atake!”
“Papunta ka na sa beach pero bigla kang pinag-report.”
“Hindi lang pala utak ang macho kay kuya Kim.”
“Diba kuya Kim bawal nakahubad sa lansangan hahaha kuya kim anunna?”
Samantala, batay sa paliwanag ni Kuya Kim, nakaapekto sa Metro Manila ang bugso ng habagat na pinalala dahil sa Low Pressure Area.
As of 2:00 PM, nasa bisinidad ng Maddela, Quirino ang bagyong #IsangPH, ayon sa PAGASA.