December 12, 2025

Home BALITA Eleksyon

Ogie Diaz, nagpayong mag-anunsyo nang maaga mga tatakbong pangulo sa 2028; VP Sara, malaki chance manalo?

Ogie Diaz, nagpayong mag-anunsyo nang maaga mga tatakbong pangulo sa 2028; VP Sara, malaki chance manalo?
Photo Courtesy: Ogie Diaz (FB)

Nagbigay ng mungkahi ang showbiz insider na si Ogie Diaz para sa mga nagpaplanong kumandidato sa 2028 presidential elections.

Sa latest Facebook post ni Ogie noong Huwebes, Agosto 21, sinabi niyang malaki ang tiyansang manalo si Vice President Sara Duterte kung walang maghahayag ng kandidatura bilang katunggali nito.

Matatandaang batay sa ginawang survey ng Tangere mula Hunyo 20 hanggang 22, nangunguna pa rin si Duterte bilang presidential bet para sa 2028 national elections. 

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, Sen. Tulfo nanguna sa 2028 presidential survey

Eleksyon

#BalitaExclusives: Malawak na alyansa ng oposisyon vs VP Sara sa 2028 elections, posible nga ba?

“‘Pag wala pang nag-announce next year, malaki ang chance panalo si VP Sara. [...] Kaya dapat ngayon pa lang, mag-announce na yung mga tatakbo,” saad ni Ogie.

Ayon sa showbiz insider, kailangan na umanong makondisyon ang utak ng taumbayan kung sino-sino ang presidenteng pamimilian.

“Hayaan nyo nang bugbugin kayo ngayon ng fake news. Eh di bugbugin nyo rin ng fact news with resibo. Itigil na yung rason na ‘maaga pa, baka sabihin, namumulitika,’” aniya.

Dagdag pa ni Ogie, “Kung malinis ang intensyon, hayaan mo na silang mag-isip na namumulitika ka. Sa halip, isipin mo kung yang uri mo ang kailangan ng bayan at ng taumbayan.”