December 14, 2025

Home BALITA

Nominasyon para sa National Book Awards, bukas na!

Nominasyon para sa National Book Awards, bukas na!
Photo Courtesy: NBDB (FB)

Opisyal nang binuksan ng National Book Development Board (NBDB) ang nominasyon para sa 43rd National Book Awards (NBA) ngayong taong 2025.

Ang National Book Awards ay taunang parangal na iginagawad sa mga pinakamahuhusay na aklat na naisulat, nailimbag, at idinisenyo sa Pilipinas.

Una itong pinangasiwaan noong 1982 ng Filipino Critics Circle (FCC) na kilala noon bilang Manila Critics Circle. Kalaunan naging katuwang ng FCC ang NBDB sa pangangasiwa nito.

Sa pahayag ni NBDB Executive Director Charisse Aquino-Tugade nitong Biyernes, Agosto 22, sinabi niyang hindi lang umano pagpaparangal sa mga natatanging akda ang NBA. 

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

“[T]hey also provide an occasion for us to take stock of the zeitgeist, our writers’ current preoccupations, and where our book industry is headed,” aniya.

Ayon naman kay Filipino Critics Circle (FCC) Chair Dean Francis Alfar, “The National Book Awards serve as official recognition of the quality and relevance of winning books, highlighting their contributions and relevance to the growth of Philippine literature, across multiple categories and genres.” 

“The NBA is important to us as Filipinos, as we recognize books that matter to us, as a people, while also serving as a portal of possibilities for readers outside of our country,” dugtong pa niya.

Nakatakda ang deadline ng nominasyon sa Setyembre 7, 2025. Pero bago makasali, kinakailangang nakarehistro ang awtor sa NBDB at nailimbag dapat ang kanilang libro noong 2024.