Naglabas ng medical examination result ang mister ni Jam Magno na si Edgar Concha Jr. bilang patunay sa naranasan niyang abuso.
Sa latest Facebook post ni Edgar nitong Biyernes, Agosto 22, makikita sa resulta ng medical exam na nagkaroon siya ng multiple abrasion sa “left temporal area,” “soft tissue contusion,” “hematoma sa left sclera,” at nail scratch sa kaliwang braso.
“It’s funny how you immediately deleted all your recent posts against me after I gave a warning that I would expose you for who you really are,” saad ni Edgar.
Dagdag pa niya, “Well, remember this? Ako pala si Ed ang tinawag mo na bayot buang and abog. Sana masaya ka sa ginawa mo. ”
Samantala, wala namang binanggit na pangalan si Edgar kung sino ang nasa likod ng naturang pang-aabuso.
Ngunit pinagpapalagay ng ilang netizens na si Jam ang may kagagawan nito. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Para sa akin Sir Change your status na Sir Gawin mo ng SingleTama yong maghiwalay na kayo ng ex mo kaysa habang buhay mong pagtiisan ang ugali ni Ex mo. Love yourself Sir wag mo nang e expose ang katotohanan at Hindi mo na kailangan patunayan na wala kang kasalanan Ikaw mismo ang nakakakilala sa X mo. Kung gusto mo ng peace manahimik ka na Lang at lilipas din yan sa buhay mo just move on for the next chapter of your life."
"Hala naa na jd sakit si jam mentally ill jd Siya .... Kung gebawsan pana nmo sir murag ma dislocate jd ang panga sa maligno"
"Ayaw pang deactivate jam ha"
"Psychopath na Jam magno."
"nakawala naka sa anak sa Devil Sir!"
"Hala grabe mani c magno oi..naa n cya sakit dli mani mabuhat sa normal n tao dios ko pa tulfo n sir ddto mkakuha jud ka hustisya tabangn jud ka nila..hlos nmn ka nia butahn oi"
Matatandaang noong Disyembre 2023 ay kinasuhan si Jam ng "psychological violence," na paglabag sa section 5 ng section 3-C ng Republic Act (RA) 9262 o "An Act Defining Violence Against Women and Their Children."
MAKI-BALITA: Parang nag-selfie lang sa mugshot: Jam Magno, bakit kinasuhan?