Ganap nang tropical depression ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa silangang bahagi ng Aurora, ayon sa PAGASA nitong Biyernes, Agosto 22.
Sa ulat ng PAGASA, as of 8:00 a.m., ganap nang bagyo ang LPA at tinawag itong "Isang."
Inaasahang makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Laguna, Quezon, Rizal, Camarines Norte, at Camarines Sur.
Ang tropical depression Isang ang ikaapat na bagyo ngayong buwan ng Agosto, at ikasiyam na bagyo na pumasok sa bansa.