December 13, 2025

Home BALITA

Lacson, 'di naniniwalang 'isolated case' sa DPWH ang isyu ng flood control

Lacson, 'di naniniwalang 'isolated case' sa DPWH ang isyu ng flood control
Photo courtesy: via MB

Hindi kumbinsido si Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa naging pahayag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Manuel Bonoan.

Sa isang radio interview nitong Biyernes, Agosto 22, 2025, iginiit ni Lacson na hindi raw niya binibili ang pahayag ni Bonoan na walang isolated cases lamang ang mga umano’y anomalya sa isyu ng flood control project.

“When you say it is an isolated case, it sounds like a defense mechanism. It suggests you don’t intend to conduct a full-scale and comprehensive investigation. And I expected that so I had my teams check projects in other areas,” ani Lacson.

Saad pa niya, inaasahan na raw niya angnaturang pahayag mula sa kalihim ng DPWH kaya’y pinakilos na rin daw ni Lacson ang kaniyang team.

Politics

'Grief and mourning are not the same!' Anak ni Enrile, may napagnilayan sa pagpanaw ng ama

“I expected that ‘isolated case’ line and I can say this is not an isolated case. That is why we conducted case studies in Pampanga, Northern Luzon and other areas, just to debunk the claims that Bulacan is an isolated case,” anang senador.

Dagdag pa ni Lacson, bagama’t posible raw na walang kinalaman si Bonoan sa mga on ground operasyon, dapat pa rin daw na mapanagot ito dahil sa kaniyang responsibilidad.

“(Bonoan) may not be made aware of (the syndicates), but it is still his responsibility. Now is the time to audit everything, at least when it comes to flood control projects,” saad ni Lacson. 

Samantala, sa hiwalay na pahayag, iginiit ni Bonoan na ipinauubaya na lamang daw niya kay  Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pasya kung kinakailangan niyang mag-leave habang iniimbestigahan ang umano’y katiwalian sa mga flood control project ng ahensya.

KAUGNAY NA BALITA: DPWH Sec. Bonoan, ipinaubaya na kay PBBM kapalaran ng posisyon niya