Inabsuwelto ng Sandiganbayan ang kaso nila dating Bise Presidente Jejomar Binay at anak nitong si dating Makati Mayor Junjun Binay.
Matatandaang nasampahan ng kaso ang mag-ama dahil sa isyu ng ₱2.2 bilyong proyekto sa isang gusali ng car parking sa Makati.
Pormal noong naakusahan ng kaso si dating Bise Presidente Binay nang bumaba siya sa puwesto at matalo sa halalan ng pagkapangulo noong 2016.
Unang nadawit ang dating bise presidente sa simula hanggang tatlong proseso ng paggawa ng naturang gusali sa Makati.
Kasunod na kinuwestiyon ang kaniyang anak na si dating Makati Mayor Junjun Binay sa pagpapatuloy mula sa pang-apat hanggang ikalimang yugto ng pagtatayo ng nasabing proyekto.
Ngunit ayon sa case promulgation na isinagawa ngayong Biyernes, Agosto 22, ipinahayag ng anti-graft court na hindi matagumpay na napatunayan sa prosekusyon ang pagkakasala ng mag-amang Binay at iba pa nitong mga kasamahan.
Dahil dito, pinawalang-sala ng hukuman sina Jejomar Binay at anak nitong si Junjun Binay mula sa mga kasong graft, falsification of public documents, at malversation of public funds.
Mc Vincent Mirabuna/Balita