December 15, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Enrique, minsang naispatan sa IG live ng erpats ni Liza

Enrique, minsang naispatan sa IG live ng erpats ni Liza
Photo Courtesy: Screenshot from Showbiz Updates (YT), Liza Soberano (IG)

Naungkat ni showbiz insider Ogie Diaz ang Instagram live ng tatay ni dating Kapamilya star Liza Soberano na si John Castillo Soberano kung saan naispatan si Enrique Gil, na dating ka-loveteam ng anak niya. 

Sa latest episode kasi ng “Showbiz Updates” noong Huwebes, Agosto 22, napag-usapan ang unreleased footage ng interview ni Asia’s King of Talk Boy Abunda kay Liza.

“Ang kabuuan lang do’n [sa unreleased interview], nag-break sila at parang hindi na sila nag-a-align sa mga konsepto nila, sa mga perspektibo nila,” saad ni Ogie.

Ngunit kahit gano’n ang nangyari, nanatili pa rin umano ang pag-ibig ng dalawa sa isa’t isa.

Tsika at Intriga

Galit na lumayas! Claudine at utol ni Korina, naghiwalay dahil sa kasambahay?

Sabi ni Ogie, “Dahil patuloy ang pagmamahal ni Enrique Gil kay Liza, mayro’ng minsan nagla-live ‘yong daddy ni Liza na nando’n si Quen [Enrique]. Kahit wala si Liza do’n sa bahay.” 

“Ibig sabihin, parang waiting pa rin si Quen kung magbabago isip ni Liza; kung babalikan siya ni Liza. Kasi sa totoo lang, noon pa natin sinasabi, sobrang mahal ni Quen si Liza,” dugtong pa ng showbiz insider.

Matatandaang kinumpirma ni Liza ang hiwalayan nila ni Enrique matapos niyang sumalang sa “Can I Come In,” isang podcast-cinema-documentary hybrid na ginawa ng artist na si Sarah Bahbah.

Pero bukod dito, isiniwalat din ng dating Kapamilya star ang abusong naranasan niya mula sa iba’t ibang tao noong siya ay lumalaki.

MAKI-BALITA: He was my first love’ LizQuen, 3 taon na palang split!

MAKI-BALITA: Si Liza Soberano at kung paano siya minaltratong parang aso