December 12, 2025

Home BALITA

DPWH Sec. Bonoan, itinangging nagbigay sila ng malaking insertion sa flood-control project ng Oriental Mindoro

DPWH Sec. Bonoan, itinangging nagbigay sila ng malaking insertion sa flood-control project ng Oriental Mindoro
Photo courtesy: Senate of the Philippines, Cong. Arnan Panaligan (FB)

Pinabulaanan ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manny Bonoan ang paratang umano na sila ang nagbigay ng malaking budget insertion para sa flood-control projects sa Oriental Mindoro. 

Sa naging panayam ni Ted Failon kay Bonoan ngayong Biyernes Agosto 22, binanggit niya na nauna nang sinabi ni Oriental Mindoro 1st District Representative Arnan Panaligan na baka sa DPWH galing ang malaking budget ng insertion sa mga flood-control project na ginawa sa kanilang bayan. 

“We ask him [Rep. Panaligan] kung sino ang responsable sa napakalaking insertion? Kasi kapag nga na-total nga ito ay billion [ang inabot] sa kaniyang bayan [Oriental Mindoro],” saad ni Ted Failon. 

Pagtatanong pa niya, “Ang sabi niya, hindi raw siya tapos hindi rin daw niya kilala [kung] sa Congress. Pero sabi niya, ‘baka DPWH ang nag-insert doon sa bicam.’ ‘Yon po bang DPWH, nakakapag-insert sa bicam?” 

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Mariin namang pinabulaanan ni DPWH Sec. Bonoan na sa kanila nanggaling ang pinag-uusapang insertion ng budget sa bicam at nilinaw na hindi sila parte nito. 

“Hindi po. We are not part of the bicam at all. In fact, ‘yon po [ang] predicament namin because of the new items that are being added on general appropriation act after it passed the bicameral conference committee[...]” pagtatanggi ni Bonoan. 

Matatandang kaugnay ito sa sinabi ni Rep. Panaligan sa naging panayam niya kay Ted Failon noong Huwebes, Agosto 21 kung saan tinukoy niya na baka sa DPWH nanggaling ang insertion ng pondo sa pagpapagawa ng flood-control project sa kanilang lugar. 

“Yes po. Unang-una po, wini-welcome namin ngayon [ang budget], kasi sa matagal na panahon [ay] walang flood-control projects sa amin. So most likely, maaaring ang ahensya rin na involved ang naglagay diyan, ang DPWH[...]” anang Panaligan. 

Dagdag pa niya, “[K]asi nga po, ang DPWH, sila ang nagpopondo niyan. Ang mga proyekto, sila ang naglalagay niyan sa kanilang budget proposal [na] parang sa tingil nila ay kulang pa kaya naglalagay sila ng additional.” 

Samantala, nabanggit naman ni Ted Failon sa kanilang panayam ni Panaligan na napag-alaman nilang umabot sa 19 bilyon ang naging pondo ng Oriental Mindoro mula 2022 hanggang sa kasalukuyan. 

Ipinaliwanag ni Panaligan na matagal na silang nanawagan sa DPWH na nasasayang ang pondong inilalaan sa flood-control projects sa kanilang bayan dahil sa maling disenyo at implementasyon nito. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita