Nagpapatupad ang Department of Transportation (DOTr) ng libreng sakay sa MRT-3, LRT-1, at LRT-2, ngayong araw Biyernes, Agosto 22.
Ito ay bunsod ng suspensyon ng klase at sa inaasahang malakas na pag-ulan dulot ng southwest monsoon at tropical depression Isang.
Nagsimula ang libreng sakay bandang 12:00 PM.
Ayon sa DOTr, prayoridad nila ang kaligtasan ng lahat ng mga pasahero at tiyaking mabilis at ligtas silang makakauwi sa kanilang mga tahanan.
WEATHER UPDATE
Nag-landfall ang bagyo sa Casiguran sa Aurora nitong Biyernes ng umaga, ayon sa PAGASA.
Kaugnay nito, nakataas ang tropical wind signal no. 1 sa ilang lugar sa Luzon.
Maki-Balita: Bagyong 'Isang' nag-landfall sa Aurora; Signal no. 1, nakataas sa ilang lugar sa Luzon