December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Derek, Ellen iniintrigang hiwalay na!

Derek, Ellen iniintrigang hiwalay na!
Photo Courtesy: Screenshots from One PH (YT)

Kasalukuyang umuugong ang bali-balitang hiwalay na umano ang celebrity couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Kaya sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Biyernes, Agosto 22, pinabulaanan ng batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin ang tungkol dito.

“Mema lang ‘yan,” sabi ni Cristy. “Alam n’yo po, napakagandang mag-handle ng relasyon ni Derek Ramsay. At si Ellen Adarna, kitang-kita naman natin na talagang sumusunod naman siya.” 

“Nag-check in lang sa hotel na mag-isa, hiwalay na? Nag-post lang si Derek na ‘kapag yakap kita—sabi kay Lily—humihinto ang ikot ng mundo. Ano ba ‘yan? Nakakaloka!” wika ng showbiz columnist..

Tsika at Intriga

AJ Raval, nag-throwback sa pagiging batang ina, may b-day greeting sa panganay niya

Dagdag pa niya, “Wala pong katotohahang ito. Hindi po totoo ‘tong mga kuwentong lumalaganap na ito. Maayos sila. ‘Yon lang.”

Samantala, wala pa namang inilalabas na anomang pahayag o reaksiyon sina Derek at Ellen hinggil sa naturang tsika. Bukas ang Balita para sa kanilang panig.