Kasalukuyang tinatahak ng bagyong "Isang" ang Quezon, ayon sa PAGASA.
Sa press briefing ng PAGASA, as of 5:00 p.m., namataan ang sentro bagyo sa bisinidad ng Aglipay, Quezon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometers per hour (kph) at pagbugsong 90 kph.
Mabagal ang pagkilos ng bagyo sa bilis na 15 kph.
Simula ngayong gabi hanggang bukas ng madaling araw ay nasa West Philippine Sea na ito.
SIGNAL NO. 1
Cagayan
Isabela
Quirino
Nueva Vizcaya
Apayao
Kalinga
Abra
Mountain Province
Ifugao
Benguet
Ilocos Norte
Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Aurora
Northern Portion ng Nueva Ecija
Samantala, asahan ang pag-ulan sa Metro Manila at sa central Luzon dahil sa southwest monsoon o habagat na pinalalakas ng bagyo.
Inaasahang lalabas ang bagyo bukas ng umaga o tanghali, Sabado, Agosto 23.
LOW PRESSURE AREA
Binabantayan ngayon ng weather bureau ang isang LPA malapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR) na nasa layong 1,010 kilometers East of Northeastern Mindanao, kaninang alas-tres ng hapon.
Dagdag pa ng PAGASA, maliit ang tsansa nito na maging tropical depression o mahinang bagyo sa loob ng tatlong araw.