December 13, 2025

Home BALITA National

Bagyong 'Isang' nag-landfall sa Aurora; Signal no. 1, nakataas sa ilang lugar sa Luzon

Bagyong 'Isang' nag-landfall sa Aurora; Signal no. 1, nakataas sa ilang lugar sa Luzon
PAGASA

Nag-landfall ang bagyong "Isang" sa Casiguran sa Aurora nitong Biyernes ng umaga, Agosto 22.

Ayon sa tropical cyclone update ng PAGASA na inisyu nitong 11:00 a.m., namataan ang sentro ng bagyo sa Casiguran sa Aurora. 

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin ng 55 kilometers per hour (kph), pagbugsong 90 kph, at central pressure na 1002 hPa. 

Gumagalaw ang bagyo pakanluran sa bilis na 15 kph. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Nakataas ang tropical wind signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar: 

Batanes
Cagayan
Isabela
Quirino
Nueva Vizcaya
Apayao
Kalinga
Abra
Mountain Province
Ifugao
Benguet
Ilocos Norte
Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Northern at central portions ng Aurora (Casiguran, Dinalungan, Dilasag, Baler, Maria Aurora, Dipaculao, San Luis)
Northern portion ng Nueva Ecija (Lupao, Carranglan, Pantabangan, San Jose City)

Samantala, inaasahang itaas sa tropical storm category ang tropical depression Isang bukas ng umaga, Sabado, Agosto 23, at lalabas na rin ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa parehong araw.