Tila agaw-eksena ang isang abogado mula sa Public Attorney’s Office (PAO) matapos siyang bumida sa gitna ng baha sa Maynila.
Mapapanood sa nagkalat na video sa Facebook ang pagsakay ng nasabing abogado sa push cart habang hinihila at itinutulak ng isang lalaki sa kasagsagan ng pagbaha sa Antonio Villegas Street nitong Biyernes, Agosto 22, 2025.
Ayon sa mga ulat, napilitang sumakay sa push cart ang naturang abogado upang makadalo raw sa pagdinig sa Korte nitong umaga ng Biyernes.
Bunsod nito, hindi naman naiwasang bumaha rin ng samu’t saring mga reaksiyon at komento mula sa netizens.
“Ganiyan talaga kapag naunang lumubog yung flood control!”
“Para sa Bayan ang atake ni atty!”
“Hoi ibalik n’yo yung push cart ng SM Manila! HAHAHHA”
“Dasurv ng hazard pay ‘yan!”
“Nakakatawa pero deep inside literal na nakakaawa magtrabaho sa gitna ng baha.”
“Puwede ng alternate transpo, sanay naman ang Pinoy sa bare minimum, lol.”