December 12, 2025

Home BALITA Politics

3 kumandidatong Senador noong 2022, nakatanggap umano sa mga contractor ng flood control projects—COMELEC

3 kumandidatong Senador noong 2022, nakatanggap umano sa mga contractor ng flood control projects—COMELEC

Nagbigay ng pahapyaw na impormasyon si Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia tungkol sa tatlong kumandidatong senador na napabalitaan nilang nakatanggap ng kontribusyon mula sa mga contractor ng flood-control projects. 

Ayon sa naging panayam ni Garcia sa Storycon ng One News noong Huwebes, Agosto 21, ibinahagi niyang nasa ilalim na ngayon ng imbestigasyon ng COMELEC ang pangalan ng mga kumandidatong senador noong 2022 elections.

Aniya, naging mainit ang usapin ngayon sa isyu ng kontrobersyal na flood-control projects kaya nakarating sa kanila ang balita na may ilan sa mga contractor nito ang nagbigay ng pondo para tumulong sa pangangampanya ng hindi pinangalanang mga kandidato. 

“Mayroon na po simula noong maging kontrobersyal iyang isyu [flood-control projects]. This is what we are telling [to] the people. This is the high time na brought up ‘yong isyu ng Section 95 [o] Prohibited Contributions,” saad ni Garcia. 

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

Sinabi ng Chairman ng COMELEC na wala siyang nabigyan ng kaso kaugnay sa mga indibidwal na nakatanggap ng kontribusyon mula sa mga contractor dahil katanggap-tanggap pa naman umano na may mga nagbibigay noon ng tulong sa mga kandidato. 

Sa pagpapatuloy ng panayam, tinukoy ni Garcia na tatlo ang nakita nilang mga kandidato na tumanggap ng kontribusyon. 

“Mga tatlo pa po na mga candidates for national office ang nakikita natin. Mayroon po sa aming nag-tip sa Bulacan [at] incidentally, ‘yon ‘yong naging mainit na mainit na isyu ngayon doon sa bandang area ng Bulacan,” anang Garcia. 

Nilinaw naman ng Chairman na kahit mangyari man na kamag-anak ng kandidato ang nagbigay na contractor ay labag pa rin ito sa ipinag-uutos ng batas. 

“Sa atin pong Codes of the Philippines, ang mag-asawa nga po [ay] bawal ang mag-donate sa bawat isa. And doon po sa contractor, wala pong distinction kahit po ‘yong binanggit kong Section 95 [ay] hindi naman pong sinabing except the contractor or the donor is related [to election candidate.]”

Dagdag pa niya, “basta po ang sinabi ay natural or juridical person.” 

Samantala, nilinaw naman ng COMELEC chair na apat lahat ang bilang ng mga kandidatong tumakbo noong 2022 ang tumanggap umano ng kontribusyon sa mga contractor.

“Basta po ang sa amin ay ‘yong mga contractors who gave contributions to the campaign. Yes po. Because [of] the reports that we have received coming from the public. Tinitingnan na po namin lahat ito,” paglilinaw ni Garcia. 

Binigyang-linaw rin ni Garcia na ang tinututukan nila ngayon ay ang kaso na nangyari noong 2022 at saka lamang sila mag-iimbestiga sa 2025 Elections pagkatapos sa naunang nabanggit. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita