December 12, 2025

Home BALITA

VP Sara, kinondenang ‘complete failure’ siya bilang kalihim ng DepEd

VP Sara, kinondenang ‘complete failure’ siya bilang kalihim ng DepEd
Photo courtesy: OVP via MB, RTVM (YT)

Hindi umano maunawaan ni Vice President Sara Duterte ang mga payahag ni Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro na siya ay isa umanong ‘complete failure’ bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

“Sa kaniyang reklamo ngayon, nagre-reflect lamang na bilang siya ay naging DepEd secretary, ay a complete failure,” ani Castro sa isang press briefing. Ito’y matapos sabihin ng bise presidente na nasa “paper and pencil” level pa rin ang education system sa bansa.

Kaugnay nito, sinagot ni VP Sara ang naturang pahayag ni Castro. Aniya, marami umanong ginawang paraan si Pangulong Marcos Jr. upang siya ay manatili sa puwesto bilang DepEd chief.

“He tried to ask me to stay. Tapos sabi ko, ayoko na. And then ang sunod niyang ginawa, inofferan niya ko, may gusto ka ba na position? Sabi ko wala akong gustong posisyon. Tapos sabi niya puwede kabang tumulong sa midterm elections? Para sa mga senators. Kasi diba ‘yong Hukbo ng Pagbabago, kasama naman ‘yon sa UniTeam noon. Sabi ko, pag-iisipan ko pero wala pakong plano para sa 2025 midterm elections ng senators,” anang Duterte.

DSWD Sec. Gatchalian, may alok na ₱100K pabuya sa makakapagturo ng salarin sa asong pinutulan ng dila

“So clearly, lahat ng attempts niya to make me reconsider my resignation na sinabi niya mag-stay lang ako as Department Secretary of DepEd, na sinabi niya gusto ko bang lumipat sa ibang position, sabihin ko raw sa kaniya. Sinabi niya puwede raw ba akong tumulong sa Midterm Elections ng 2025.Hindi iyon actions ng taong tumitingin as failure ako. Action ‘yon ng taong tumitingin na kailangan niya ‘yong trabaho. So hindi ko alam kung saan nanggagaling ‘yong sinasabi nilang failure ako as a Department of Education Secretary,” dagdag pa niya.

Ibinahagi rin ni VP Sara na matagal niya nang pinaplanong umalis sa posisyon sa kagawaran bago pa man niya isumite nang tuluyan ang resignation niya noong Hunyo 19, 2024.

“Matagal ko na hawak-hawak ‘yong resignation letter na ‘yon, matagal akong pabalik-balik sa Malacañang pero hindi ko talaga pa naibigay, pero noong June 19, 2024, doon ko naisip na ‘yon ang pinakatamang panahon na ibigay ko na ‘yong irrevocable resignation letter ko,” ani VP Sara.

Nang iabot niya raw kay PBBM ang kaniyang resignation letter, tinanong umano siya nito kung bakit nais niyang bumaba sa puwesto.

“Why? Why? Nagtanong siya sa akin bakit, tapos sinabi ko sa kaniya ayaw ko na pag-usapan kung bakit ako mag-resign. Para sa akin ba, kailangan pa ba itanong ‘yon? Hindi mo ba nakikita kung ano ‘yong ginagawa n’yo sa akin?” sagot ni VP Sara.

“Hindi naman ako masokista na aatakihin n’yo ako nang aatakihin habang nagtatrabaho ako para sa inyo, and to think na the Department of Education was the department that is delivering results sa administration, so sabi ko, ayokong pag-usapan,” dagdag pa niya.

Matatandaang humalili na si Senador Sonny Angara bilang bagong kalihim ng kagawaran.

Vincent Gutierrez/BALITA