Isa si Senador Robin Padilla sa mga gumunita ng alaala ng dating senador na si Benigno Simeon “Noynoy” Aquino Jr. sa anibersaryo ng pagkamatay nito.
Ayon sa Facebook post ni Padilla nitong Huwebes, Agosto 21, sinabi niyang isa siyang Pilipino at naniniwala siya sa kabutihan, katarungan, at kung ano ang sa tingin niya ay tama.
“I am a Filipino. I do what I believe is good. I do what I believe is right. I fight for justice. I fight for freedom. I am a Filipino. I am Ninoy,” panimula niya sa post.
Inihayag ng senador na galangin umano ang araw na inilaan para sa pagkabayani umano ni Ninoy.
Nabanggit din niya na sadyang magkakaiba ang pananaw sa pulitika ng mga tao pero hindi maaaring magsilbing dahilan para mag-away ang marami sa itinakdang araw na ito.
“Magkakaiba ang naratibo ng bawat Pilipino dito sa Inangbayan Pilipinas sapagkat tayo ay demokrasya. Sadyang magkakaiba ang pananaw sa pulitika, lalo ng paggogobyerno pero hindi [ito] dahilan para mag-away pa sa araw na itinakda,” anang senador.
Makikita sa post na ibinahagi niya ang lumang larawan kung saan makikita si Sen. Ninoy kasama ang kaniyang ama na si dating Gobernador Roy Padilla Sr. at ang litrato nilang magkasama ni Sen. Bam Aquino.
“Kahawig talaga ni Senator Bam Aquino ang dating senador at bayani,” dagdag pa ni Padilla.
Mc Vincent Mirabuna/Balita