January 07, 2026

Home BALITA

Rowena Guanzon, pinapa-check tax ni Josh Mojica sa BIR

Rowena Guanzon, pinapa-check tax ni Josh Mojica sa BIR
photo courtesy: Rowena Guanzon, Josh Mojica (Facebook)

'BAKIT NAGKE-CLAIM ITONG SI KANGKONG?'

Pinatutsadahan ni dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon ang pahayag ng negosyante at content creator na si Josh Mojica, na isa na raw siyang bilyonaryo sa edad na 21. 

Sa isang Facebook post ni Guanzon nitong Huwebes, Agosto 21, ibinahagi niya ang isang screenshot ng post umano ni Mojica kung saan nakasaad na bilyonaryo na ito sa edad lamang na 21 anyos. 

"Akala ko ang youngest billionaire ay may-ari ng Mang Inasal? Bakit nagke-claim itong si kangkong?" saad ni Guanzon.

'Nakakapirma pa rin eh!' Sen. Imee, ipinagtanggol pagiging 'MIA' ni Sen. Bato

Dagdag pa niya, "Bureau of Internal Revenue Philippines, paki-check nga ang taxes ng tao na yan."

Nakilala si Mojica dahil sa kaniyang business na kangkong chips.