December 13, 2025

Home BALITA National

Rep. Diokno, nais isalin sa Filipino mga batas sa Pilipinas

Rep. Diokno, nais isalin sa Filipino mga batas sa Pilipinas
Photo courtesy: Chel Diokno (FB), House of Representative

Isa sa mga inihain ng representative ng Akbayan Partylist na si Attorney Chel Diokno ang batas na naglalayong isalin sa Filipino ang mga batas sa Pilipinas. 

Ayon sa Facebook post na nilabas ni Diokno nitong Huwebes, Agosto 21, ipinakita niya ang House Bill Blg. 3863 o Batas sa Sariling Wika. 

“Paano natin aasahan na susunod ang tao sa batas kung hindi nila ito naiintindihan?” pagtatanong ni kongresista. 

Ayon kay Diokno, isa ang katanungang ito sa dahilan kung bakit inihahain niya ang House Bill at upang maintindihan ng mga Pilipino ang ilang mga nasusulat nang batas. 

National

Sen. Bato at iba pa, 'di sumipot sa bicam conference committee meeting para sa 2026 nat’l budget

“Kaya inihain natin ang Batas sa Sariling Wika Bill. Layunin nitong isalin ang mga batas na may parusa sa ating official language na Filipino, pati na rin sa major languages na Bisaya and Ilokano, representing the country’s largest ethnolinguistic groups,” aniya. 

Ipinaliwanag sa larawan ng kaniyang post ang mga planong mailathala ang naisaling bersyon ng mga batas sa Official Gazette para magkaroon ang lahat ng aksesibilidad sa mga batas. 

Dapat umanong maisalin ang mga bagong batas sa loob ng 90 na araw habang ang mga kasalukuyang nasusulat na batas ay maisalin sa loob ng limang (5) taon. 

Makikita rin sa kaniyang post na Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang magsasalin ng mga batas at hinikayat na maisalin pa ang mga batas sa iba pang katutubong wika. 

“Sa ganitong paraan, mas napapalapit sa mamamayan ang katarungan at napapalalim ang kanilang kaalaman sa kanilang mga karapatan at pananagutan,” pagtatapos niya sa kaniyang post. 

Nakatanggap naman ng suporta si Diokno sa mga taong nakita ng kaniyang post. 

Narito ang ilan sa mga komento ng mga tao:

“[...] [K]ung bakit kasi ang batas ginawa para lang sa mga nakakaintindi ng English

ayaw nila iparating ito sa mga walang pinag-aralan.” 

“SUPPORTADO PO NAMIN ANG IYONG ADBOKASIYA Sana Po ma access namin din sa mga Salitang Katutubo, tulad naming mga YAKAN NG BASILAN at Sana gumawa Ang Komisyon sa Wikang Filipino Ng mga Komite Ng mangangasiwa sa Lahat Ng Ethnolinguistic Group sa Bansa Po.” 

“Naaangkop at mahusay na panukala. Ngunit maaari pa rin na kahit sa bernakular, hindi pa rin maintindihan ang batas… Ang pinakamabisa ay magkaroon ng "multi media forum" kung saan matatalakay at maipaliwanag ng husto ang batas[...]”

“Tumpak po Cong. Chel Diokno.”

“Siyang tunay, mahal po naming kongresista.”

“Tama po ang punto de vista ninyo atty./ congressman Chel!” 

Mc Vincent Mirabuna/Balita