Tahasang ibinunyag ni dating “Miss Q and A 2018” 2nd runner-up at Miss International Queen Philippines 2023 Lars Pacheco na makailang beses niyang niloko ang longtime boyfriend niya na si Clyde Vivas.
Sa kaniyang Facebook post ngayong Huwebes, Agosto 21, ibinahagi ni Lars kung ilang beses niyang niloko ang jowa niyang nakarelasyon niya sa loob ng pitong taon.
Inilahad niya na ang unang lalaki ay na-meet niya sa Makati, habang sila ay umiinom ng kaniyang kaibigan. Aniya, nakiupo raw ito sa kanilang table at nang siya ay sobra nang lasing, siya ay nakatulog.
“It’s almost 6 a.m. in the morning, I was really drunk. And there’s this Taiwanese guy that joined in our table. And then I just woke up, na katabi ko na siya sa bed. It happened because of course, I chose it to happen,” aniya.
Nang ito raw ay mangyari, hinanap at sinundo pa siya ni Clyde at kumilos siya na parang walang nangyari.
Ang pangalawang lalaki naman umano ay na-meet niya noong siya ay nagtatrabaho out of town. Aniya, pumunta siya ng isang bar at may isang lalaking tingin nang tingin sa kaniya, at ito ay ginantihan niya rin ng mga titig.
“The next one is I was working out of town, and then I go to a bar. There’s this guy who keeps looking at me, and I looked at him as well. And it’s just that, I haven’t got the chance to talk in that bar, or go near each other. Just after that party, he messaged me and I was just like, out of nowhere, I don’t know, I just gave my number,” ani Lars.
Matapos ang nasabing party, ibinigay niya raw ang kaniyang numero sa lalaki at sinabing doon sila mag-usap sapagkat may access si Clyde sa kaniyang Instagram account.
Inamin din niyang tumagal din umano iyon ng isang buwan, at doon niya napagdesisyunang palayain na si Clyde.
“Because imagine, we don’t exchange I love yous, we don’t exchange intimate conversations, every day for one month it’s just good morning, sa’n ka na, nakauwi na ako,” aniya
.“You can just count the conversations that we have, and I don’t know, I’m falling in love with that man, with that guy,” pag-amin ni Lars.
Ibinahagi rin niya na kahit ganoon, hindi niya alam ng kaarawan ng lalaking iyon, ang edad nito, sadyang nahulog na lang umano siya rito nang hindi sila masyadong nag-uusap.
“That’s the reason, that’s the best, I mean, that’s the huge part of the decision na t*ng ina, nai-inlove ako sa iba,” aniya.
Hindi raw ito sinabi ni Lars sapagkat “proud” siya rito, hindi niya rin daw alam ang nangyari. Pero na-miss niya umano ang pakiramdam na kiligin, may magtatanong sa kaniya kung ano raw ang nangyari sa araw niya, kung ayos lang daw ba siya.
Ang pangatlo naman daw na lalaki ay ang “worst,” at ‘di niya raw halos mapatawad ang kaniyang sarili rito.
“Nagpahatid ako kay Clyde to meet someone, he’s from Portugal. And yeah, it happened. And then that made my decision, if I still love him, I wouldn’t do such things. You know I take full accountability, I know, I did what I did, I’m not proud of it,” ani Lars.
“And kung papatagalin ko pa relasyon namin, feeling ko, in the end, we will be just f*cked up. It’s my mistake, I cheated, I know, but I don’t know why. Hindi ko alam kung naghahanap ba ako ng atensyon, hindi ko alam kung ubos na ba ‘yong kilig, hindi ko alam,” dagdag pa niya.
Ibinabahagi niya raw ito sapagkat nais niyang matapos na ang mga haka-haka mula sa ibang tao.
“This is the answer, coming straight from my mouth, not in any other people’s mouth. This is what happened,” pagtatapos niya.
Vincent Gutierrez/BALITA