Viral ngayon online ang isang video ng babaeng sumiwarik sa basketball net.
Sa TikTok video na inupload ng user na si Tineee noong Lunes, Agosto 18, makikita ang isang babaeng nakasuot ng puting damit at pinagtatawanan ng kaniyang mga kaibigan.
Mapapansin sa video na nag-iinuman ang magkakaibigan at tila tumama na ang epekto ng alak sa katawan ng isa.
Nakasabit ang mga paa nito sa net ng basketball ring at mapapansing parang hindi natatakot ang babae sa kaniyang pagkakasiwarik.
“POV [point of view]: tumama na yung gin,” saad sa caption ng post.
Aliw-aliw ang netizens at ikinumpara ang babae bilang si Gwen Stacy, karakter mula sa Amazing Spider Man 2, na bigong mailigtas ni Peter Parker sa pagkahuli sa clock tower.
Ipinagtaka naman ng iba kung paano humantong sa ganoong nakakatawang pangyayari ang naaktuhan sa video.
Narito ang ilang komento na iniwan ng mga nakapanood sa naturang video: “si gwen stacy siya, si gwen stacey sha.”
“Parang di lang gin yung tumama jan ah HAHAHA”
“tapos pag nabagok, kakatok katok sa mga puso namin”
“Ang pinagtataka ko ay pano sya napunta sa ganyang sitwasyon?”
“Yung dugo nya”
“may vid ba pano nya nagawa yan? ”
“Gusto ko matawa pero nangibabaw yung what if jusko delikado po wag na sana ma ulit”
“tanghaling tapat ”
“hetooo po ako buhay na buhay dipa nakakamove on sa hangover”
Samantala, maraming atensyon ang napukaw ng nasabing post at umabot na ito sa mahigit 1.6 milyon views sa Tiktok.
Mc Vincent Mirabuna/Balita