January 04, 2026

Home FEATURES

ALAMIN: Long weekend ideas na swak sa mag-jowa, barkada't pamilya

ALAMIN: Long weekend ideas na swak sa mag-jowa, barkada't pamilya
Photo courtesy: Pexels

Pagod sa trabaho? Stressed sa school? Deserve mo ang magpahinga at mag-unwind!

Planuhin na ang iyong dream long weekend getaway sa mga ideas ito, na talaga namang swak sa jowa, barkada, at pamilya!

1. “Spa treatment”

Sa pagod na dala ng trabaho, school, at ano mang side hustle, talagang hindi maiiwasan ang stress. Ngayong long-weekend, treat yourself sa isang rejuvenating at relaxing spa treatment na talagang magre-recharge sa pagod mong katawang lupa.

Human-Interest

ALAMIN: Ano ang mga pamahiing Pinoy tuwing ‘Full Moon?’

Kung nais mo naman ng therapeutic experiences, puwede mo rin ito samahan ng ilang fitness sessions at wellness retreats, katulad ng Yoga at Zumba.

2. “Beach getaway” 

Jowa, circle of friends, o kahit pamilya man ang kasama, perfect ang isang beach getaway upang ma-maximize mo ang iyong long weekend! Isa ring epektibong paraan upang alisin ang stress ay pumunta sa isang beach kasama ang pinakamalalapit na tao sa iyong buhay.

Huwag lang kalilimutan mag-sunblock at suotin ang iyong best swimwear, at ready-to-go ka na!

3. “Outing” o “Picnic” 

Isang magandang paraan upang gugulin ang iyong long weekend ay mag-organisa ng isang “outing” o kaya naman ay “picnic.” Hindi lang ito simpleng samahan, puwede rin ito bumuo ng maraming alaala kung kukuha ka ng maraming litrato, aayusin ang mga relasyong may lamat, o kaya naman ay bumuo pa ng mas matibay na relasyon sa iyong pamilya o mga kaibigan.

Siguraduhin lang na pumili ng kasiya-siyang lugar at dalhin ang pinakamasasarap na pagkain upang maging mas memorable ang inyong outing o picnic.

4. “Hiking” 

Sa mga nais naman ng thrill at adventure, perfect ang hiking bilang isa sa mga long-weekend ideas na puwede n’yong gawin! Sa extremity ng aktibidad na ‘to, hindi ka lang macha-challenge, mararamdaman mo ring worth it ang pag-akyat kapag narating mo na ang tuktok ng iyong inaakyat!

Siguraduhin lamang na may kasama kang may karanasan na sa paghi-hike at dalhin din ang mga mahahalagang bagay upang maging ligtas sa pag-akyat.

5. Matuto ng panibagong “skill”

Hindi lang naman umiikot ang enjoyment at kasiyahan sa labas ng bahay, puwede rin itong makuha kahit nasa loob ka ng iyong tahanan! Linangin pa ang iyong mga talento at sumubok ng mga bagong “skills” na puwede mong magamit in the future! Nandiyan ang pottery, pagpipinta, pagluluto, pananahi, o kahit paggawa ng mga “crochets” ay swak din ngayong long weekend.

Kung nais ng iba pang skills, nariyan ang biking, coffee-making, o kaya naman pagkuha ng litraro, kung ikaw ay may interes sa photography.

6. “Oplan Linis Tahanan”

Kung hindi mo bet lumabas, gawin pa rin kapaki-pakinabang ang iyong long weekend! Magsagawa ng isang “Oplan Linis Tahanan” at tanggalin ang bad vibes sa inyong bahay. Puwede kang bumili ng panibagong sofa set, mag-rearrange ng mga gamit for “good luck,” at palitan na ang inyong mga kurtina. Puwede ka ring magpintura para sa “new look” ng iyong bahay.

7. “Movie Marathon”

Karamihan ay mahilig sa panonood ng movies, lalo na kung mayroon kang sapat na extra time. Pero ngayong long weekend, extra-extra time ang mayroon ka! Kaya ihanda na ang iyong laptop o television, lutuin mo na rin ang iyong popcorn at fries, bumili ka na ng chips, at i-binge watch na ang iyong favorite series and films!

8. “Karaoke Night” 

Kung singing enthusiast ka naman, puwede kang mag-organisa ng isang Karaoke night kasama ang iyong jowa, iyong tropa, o maging iyong pamilya! Ihanda na ang Karaoke machine, mikropono, pati ang mga pagkain upang hindi magutom sa kantahan portion ninyo.

I-compile na ang inyong favorite songs and hits, pero siguraduhing walang maaabala sa inyong singing sessions.

Hangga’t may long weekend, gumawa ng mga bagay na iyong ikasasaya. Gawing makabuluhan at stress-free ang iyon mga holidays sa mga ideyang ito.

Vincent Gutierrez/BALITA