December 13, 2025

Home BALITA

VP Sara, binira imbestigasyon sa flood-control project: 'Excuse sa susunod na baha!'

VP Sara, binira imbestigasyon sa flood-control project: 'Excuse sa susunod na baha!'
Photo courtesy: Contribute photo, via MB

Nagkomento si Vice President Sara Duterte sa paggulong ng imbestigasyon sa flood control project.

Sa panayam sa kaniya sa kasagsagan ng kaniyang Filipino community meeting sa Paris noong Lunes, Agosto 18, 2025, iginiit ni VP Sara na ang imbestigasyong isinasagawa ay paraan lamang daw upang magkaroon muli ng palusot si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

“Paniwala ko ginagawa nila yan para sabihin sa susunod na baha na tingnan nyo may ginawa kami. Pinaghahandaan niya lang yung excuse niya para sa susunod na baha,” anang Pangalawang Pangulo. 

Saap pa ni Duterte, maging ang mga opisyal ng Kamara ay dapat din daw paimbestigahan maliban sa mga kontraktor.

National

'Not admission of guilt!' Surigao Del Sur solon, nagbitiw sa bicam committee dahil sa delicadeza

“Well, lahat sila dapat. Hindi lang yung mga contractors dahil yung mga contractors ay mga tauhan din sila ng mga members of the House of Representatives,” ani VP Sara.

Dagdag pa niya, “Yung mga kasamahan nila o mga kagrupo nila, kasama din nila yon sa paghati-hati noong budget ng Pilipinas.”

Matatandaang noong Martes, Agosto 19, 2025 nang magsimulang umusad sa Senado ang imbestigasyon ng umano’y anomalya sa flood control project.

KAUGNAY NA BALITA:  DPWH Sec. Bonoan, inaming 'ghost projects' ilan sa flood-control projects ng Wawao Builders!

Sa kaniyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) nang ungkatin ng Pangulo ang mga anomalyang nangyari sa flood control na sa isa mga flagship projects ng kaniyang administrasyon.

“Mahiya naman kayo sa mga kabahayan nating naanod o nalubog sa mga pagbaha. Mahiya naman kayo lalo sa mga anak natin na magmamana sa mga utang na ginawa ninyo! Na ibinulsa n'yo lang ang pera!” saad niya.

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, sinupalpal mga korap sa flood control project: 'Mahiya naman kayo!'