December 12, 2025

Home BALITA

Suhestiyon ni VP Sara: Kamara, paimbestigahan din sa flood control project!

Suhestiyon ni VP Sara: Kamara, paimbestigahan din sa flood control project!
Photo courtesy: via MB

May suhestiyon si Vice President Sara Duterte sa pagratsada ng imbestigasyon sa flood control project.

Sa panayam sa kaniya sa kasagsagan ng kaniyang Filipino community meeting sa Paris noong Lunes, Agosto 18, 2025, sinilip ni VP Sara ang mga opisyal ng House of Representatives (HOR) na nakihati umano sa pondo ng naturang proyekto.

“Well, lahat sila dapat. Hindi lang yung mga contractors dahil yung mga contractors ay mga tauhan din sila ng mga members of the House of Representatives,” anang Pangalawang Pangulo.

Saad pa ni VP Sara, “Yung mga kasamahan nila o mga kagrupo nila, kasama din nila yon sa paghati-hati noong budget ng Pilipinas.” 

DSWD Sec. Gatchalian, may alok na ₱100K pabuya sa makakapagturo ng salarin sa asong pinutulan ng dila

Noong Martes, Agosto 19, 2025 nang magsimulang umusad sa Senado ang imbestigasyon ng umano’y anomalya sa flood control project.

KAUGNAY NA BALITA:  DPWH Sec. Bonoan, inaming 'ghost projects' ilan sa flood-control projects ng Wawao Builders!

Matatanaang kasunod nang paglulunsad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ng flood control project website na tinawag “Sumbong sa Pangulo,” ay ang pagpapangalan niya sa 15 kontraktor na tumabo umano ng bilyong pondo mula sa naturang proyekto.

KAUGNAY NA BALITA: 'Sumbong sa Pangulo' flood control tracker, inilunsad ni PBBM: 'Ako mismo ang babasa!'

KAUGNAY NA BALITA: KILALANIN: Sino-sino may-ari ng 15 contractor companies na pumaldo sa pondo ng flood control project?

Samantala, iginiit din ni VP Sara na walang paghahanda lamang daw ng palusot ang nasabing imbestigasyon kung sakaling muli na naman daw bahain ang bansa.

“Paniwala ko ginagawa nila yan para sabihin sa susunod na baha na tingnan nyo may ginawa kami. Pinaghahandaan niya lang yung excuse niya para sa susunod na baha,” anang Pangalawang Pangulo.

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, binira imbestigasyon sa flood-control project: 'Excuse sa susunod na baha!'