January 24, 2026

Home BALITA National

Premature baby, binisita ni PBBM; ama, walang babayaran ni kusing sa ospital

Premature baby, binisita ni PBBM; ama, walang babayaran ni kusing sa ospital
Photo courtesy: Mark Balmores (MB) Department of Health (FB)

Dinalaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang “premature baby” sa DOH-East Avenue Medical Center, kasabay ng kaniyang pag-iikot sa Neonatal Intensive Care Unit (NICU) ng ospital.

Ibinahagi ng Department of Health (Philippines) sa kanilang Facebook post nitong Martes, Agosto 19, na pinuntahan umano ni PBBM ang sanggol na si baby “Elisse” sa NICU ng ospital, na napag-alaman ng pangulo na nakaligtaas sa isang motorcycle accident.

Mapalad na nakaligtas ang sanggol ngunit sa kasamaang-palad, hindi nakaligtas ang ina nito.

Inilahad ng ama ni baby Elisse na si “Dexter” na pitong buwang buntis ang kaniyang kinakasama nang ito ay masangkot sa aksidente, na siyang ikinasawi nito.

National

Sen. Estrada sa ₱800 wage hike ng mga kasambahay: 'A great help'

Upang maisalba raw ang buhay ni Elisse, siya ay nanatili sa NICU upang obserbahan at siguraduhing mabubuhay.

Umabot umano sa halagang ₱551,908.83 ang bill sa ospital ng mag-ama, sapagkat pinagsama na rito ang lahat ng mga gastusin sa parehong procedure na isinagawa kay Elisse at sa ina nito.

Ngunit sa tulong umano ng Zero Balance Billing, ibinahagi ng DOH na ang pinal nang babayaran ni Dexter ay ₱0.00 na lamang.

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, sinigurong maipatutupad 'zero-billing' policy sa government hospitals-Balita

Nagpasalamat naman si Dexter sa kadahilanang wala na umano itong iisipin pa pagdating sa hospital bills nila.

Samantala, ipinaabot naman ni PBBM, DOH Sec. Herbosa, at ng buong kagawaran ang kanilang pakikiramay sa mga naulila ng ina ni Elisse.

Vincent Gutierrez/BALITA