December 12, 2025

Home BALITA National

PBBM, walang nakitang hollow block, semento sa ‘fully paid’ flood control project sa Bulacan

PBBM, walang nakitang hollow block, semento sa ‘fully paid’ flood control project sa Bulacan
Photo courtesy: MPC Pool

Binisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang umano’y 100% completed flood control project sa Barangay Piel, Baliuag, Bulacan nitong Miyerkules, Agosto 20, 2025.

Sa panayam ng media sa Pangulo, iginiit niyang taliwas sa report na kanilang natanggap ang sitwasyong kanilang nakita sa pag-iinspeksyon nila sa nasabing lugar.

“As of last month June, ang report dito ay 100% complete at saka fully paid,” ani PBBM.

Dagdag pa niya, “Wala kaming makita na kahit isang hollow block, [kahit] isang ano ng semento, walang equipment dito.”

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Tasahan ding inamin ng Pangulo na isa raw “ghost project,” ang kanilang nadatnan na dapat sana’y Reinforced Concrete Riverwall Project. 

“Lahat itong project na ito, ghost project. Walang ginawa na trabaho dito,” anang Pangulo.

Tinatayang nagkakahalaga ng ₱55,730,911 ang naturang proyekto habang patuloy naman daw pinaghahahanp ang kontraktor sa likod nito.

“Hinahanap pa rin namin kaya hindi na namin malaman. Siguro nakailang layer ng subcontractor kaya wala nang record,” saad ni PBBM.

Samantala, matatandaang mismong inamin ni i Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na pawang mga ghost projects daw ang nangyari sa flood control projects ng PBBM admin. 

“In Bulacan alone, Wawao Builders had 85 projects amounting to 5.9 billion [...]  There seems to be some ghost projects,” ani Bonoan sa imbestigasyon ng Senado sa anomalya ng flood control projects noong Martes, Agosto 19.

KAUGNAY NA BALITA: DPWH Sec. Bonoan, inaming 'ghost projects' ilan sa flood-control projects ng Wawao Builders!

Inirerekomendang balita