December 18, 2025

Home BALITA National

PBBM, galit sa nadiskubreng 'ghost project' sa Bulacan: 'I'm not disappointed, I'm very angry!'

PBBM, galit sa nadiskubreng 'ghost project' sa Bulacan: 'I'm not disappointed, I'm very angry!'
Photo courtesy: via MANILA BULLETIN

Tahasang iginiit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang kaniya raw pagkagalit sa ininspeksyon nilang riverwall project sa Bulacan.

Sa panayam ng media sa Pangulo nitong Miyerkules, Agosto 20, 2025, nilinaw ni PBBM na higit daw sa pagkadismaya ay mas nakaramda daw siya ng galit sa tumambad na ghost project.

“Extremely, more than disappointed, I'm actually... I'm getting very angry with what's happening here... Nakaka... Papaano naman, 220 meters, ₱55 million completed ang record ng Public Works, [pero] walang ginawa. Kahit isang araw hindi nagtrabaho…,” ani PBBM.

Dagdag pa niya, “Puntahan ninyo, wala kayong makita kahit ano...Tuloy-tuloy ang pagbaha doon sa kabila.”

National

'Masaganang Pasko!' Lotto ticket na nabili sa Rizal, wagi ng ₱49.1M sa Lotto 6/42!

“I'm not disappointed, I'm angry,” saad ng Pangulo. 

Samantala, matatandaang iginiit ng Pangulo na sa kabila nang kawalang pag-usad at palpak na flood control project na kanilang pinuntahan, ay nauna na raw niyang natanggap na 100% complete na raw ang nasabing proyekto at fully paid na.

“As of last month June, ang report dito ay 100% complete at saka fully paid. Wala kaming makita na kahit isang hollow block, [kahit] isang ano ng semento, walang equipment dito,” saad ng Pangulo.

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, walang nakitang hollow block, semento sa ‘fully paid’ flood control project sa Bulacan

Sa kaniyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) nang ungkatin ng Pangulo ang mga anomalyang nangyari sa flood control na sa isa mga flagship projects ng kaniyang administrasyon.

“Mahiya naman kayo sa mga kabahayan nating naanod o nalubog sa mga pagbaha. Mahiya naman kayo lalo sa mga anak natin na magmamana sa mga utang na ginawa ninyo! Na ibinulsa n'yo lang ang pera!” saad niya.

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, sinupalpal mga korap sa flood control project: 'Mahiya naman kayo!'