December 13, 2025

Home BALITA National

Misis ng COA commissioner, kontraktor umano sa flood control na tumanggap ng ₱200M

Misis ng COA commissioner, kontraktor umano sa flood control na tumanggap ng ₱200M

Isang construction company na nauugnay sa misis ni Commission on Audit (COA) Commissioner Mario Lipana ang sangkot umano sa kontrobersyal na flood control project.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News nitong Miyerkules, Agosto 20, 2025, batay umano sa government data, dalawang flood control project ang hinawakan ng kompanya ni Marilou Laurio-Lipana—misis ni COA Commissioner Lipana kung saan tinatayang nakatanggap ito ng ₱200 milyon para sa flood control.

Batay sa mga dokumento ng Department of Public Works and Highways (DPWH) si Marilou ang presidente at general manager ng Olympus Mining and Builders Group Philippines Corporation. 

Samantala, batay sa opisyal na website ng flood control tracker na “Sumbong sa Pangulo” nasa San Miguel, Bulacan ang nasabing dalawang flood control project na hinawakan ng kompanya ni Marilou.

National

'Admin, Duterte group, liberal groups dapat magkaisa para sugpuin korapsyon!'—Ex-PNR Chair Macapagal

Parehong 2023 natanggap ng Olymous ang proyekto na nagkakahalaga ng ₱91.67 milyon para sa istraktura ng upstream portion ng San Miguel River habang ₱86.64 milyon naman para sa downstream area.

Samantala, sa hiwalay na panayam ng media kay Sen. Erwin Tulfo, iginiit niyang kailangan daw mabigyang-pansin ang conflict of interest bunsod ng posisyon ni Lipana bilang COA Commissioner.

“We have to look into that because it is really a conflict of interest kapag isa sa kanila is in government — Commission on Audit pa — tapos ang isa ay contractor,” ani Tulfo.

Dagdag pa niya, “Paano kung substandard? Paano kung ghost? Paano mo iimbestigahan e asawa mo yun. Kung hindi niya nagawa, iimbestigahan siya ng asawa niya?”

Matatandaang mismong inamin ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na pawang mga ghost projects daw ang nangyari sa flood control projects ng PBBM admin. 

KAUGNAY NA BALITA: DPWH Sec. Bonoan, inaming 'ghost projects' ilan sa flood-control projects ng Wawao Builders!