December 13, 2025

Home BALITA National

‘Greed control' kailangan makita ng Pinoy sa isyu ng flood control—Lacson

‘Greed control' kailangan makita ng Pinoy sa isyu ng flood control—Lacson
Photo courtesy: Senate of the Philippines

Nanawagan si Sen. Panfilo “Ping” Lacson hinggil sa pagbaha raw ng korapsyon sa isyu ng flood control project.

Sa kaniyang privilege speech nitong Miykerules, Agosto 20, 2025, iginiit niya ang mga nakalap na impormasyon ng kaniyang team hinggil sa mga humawak at nasa likod umano ng mga palpak na nasabing proyekto.

Saad pa niya, partikular na umano sa lalawigan ng Bulacan—talamak sa lugar ang pagkakaroon ng "distinct" budget items o mga proyektong pare-pareho ang mga halaga kahit magkakalapit o magkakalayo ang mga ito.

“Ayon sa mga contractor at DPWH officials na nakipag-usap mismo sa akin at sa aking staff, ang dalawang ito [Bulacan First Engineering District na sina dating district engineer] ay halos pareho lang ang pagmamahal sa pera. Napabalita pa kamakailan na isa sa kanila ay nakakapagpatalo ng daang milyon sa isang casino dito sa Metro Manila,” ani Lacson.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Dagdag pa niya, may mga nakausap na rin daw ang kaniyang team na handang magpangalan sa mga umano’y tiwaling opisyal.

“Marami sa mga nakausap namin ang handang pangalanan ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno na tunay na nasa likod ng mga milagro sa flood control,” anang senador.

“The depth of corruption has become so overwhelming that it drowns us in our sad state,” aniya.

Saad pa niya, dapat daw makita ng mga Pilipino ang pagmamalabis na paghawak sa nangyaring konstruksyon at korap na implementasyon ng flood control project.

“More than flood control, what the Filipino people badly need to see is greed control,” saad ng senador.