December 12, 2025

Home BALITA

Garcia, inakalang 'Chinese' ng suspek na nagnakaw ng bag niya

Garcia, inakalang 'Chinese' ng suspek na nagnakaw ng bag niya

Nagpaliwanag ang isang suspek sa pagnanakaw ng bag ni Comelec Chairman George Garcia nitong Miyerkules, Agosto 20.

Matatandaang kumakain si Garcia sa isang restaurant sa Roxas Boulevard, Pasay City noong Martes ng tanghali, Agosto 19, nang manakawan siya ng bag.

Ayon kay Garcia, napansin niyang nawawala ang kaniyang bag na naglalaman ng pera, cellphone, ATM cards, at iba’t ibang identification cards kabilang ang opisyal na ID mula sa Comelec

Maki-Balita: Comelec Commissioner George Garcia, ninakawan ng pera at cellphone habang kumakain sa resto

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Samantala, sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News sa suspek, humingi ng tawad ang suspek at inakala raw nila ay isang Chinese national si Garcia.

"Ako po ay humihingi sa kaniya ng sorry at hindi po namin siya nakilala. Akala po namin ay isa siyang Chinese. Kung nakilala po namin siya agad, hindi po namin siya pagnanakawan," anang suspek.

Samantala, sa kuha ng CCTV ng establisimyento, isang grupo umano ang nasa likod ng pagnanakaw. Kinumpirma rin ng opisyal na agad siyang nagpa-blotter sa pulisya matapos ang insidente.

Nahuli na rin ang nagsalitang suspek sa follow-up operation ng awtoridad sa Bacoor sa Cavite at narekober ang bag ni Garcia kasama ang IDs, wallet, at cellphone. 

Gayunman, sa parehong ulat, hindi na nabawi ang perang nagkakahalagang P200,000. 

Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng operasyon ng pulisya upang mahuli ang iba pang kasabwat ng suspek. 

Inirerekomendang balita